CHAPTER 31

1681 Words
Isang beses lamang pinindot ng receptionist ang doorbell ng room nina Nicole at Alexander, agad na itong bumukas at iniluwa iyon ni Nicole. "M-Martha?" gulat nitong sambit sa pangalan ni Martha at mula sa gilid ay lumabas si Glendon. "Babe, sino 'yan?" tanong ni Alexander mula sa loob habang si Nicole naman ay nanginginig na sa kaba. Nakaawang naman ang mga labi ni Glendon nang marinig niya ang boses ng isang lalaki mula sa loob. Kahit na wala pa siyang kasiguraduhan kung sino nga ba ang lalaking 'yon ay nasasaktan na si Glendon sa kaalamang hindi nga nagsisinungaling si Martha nang sabihin nito sa kanya na nagluluko ang kanyang asawa. "Babe?" muling tawag ni Alexander habang si Nicole naman ay halos hindi makaimik dahil sa hindi inaasahang eksena. At dahil walang natanggap na sagot si Alexander mula kay Nicole ay nagpasya na siyang lapitan ito para alamin kung bakit hindi sumasagot si Nicole sa kanya. "Nicole...." Hindi na niya nagawa pang ituloy ang iba pa sana niyang sasabihin nang nakita at nakilala niya kung sino ang bumisita sa kanila ng mga sandaling 'yon habang si Nicole naman ay halos hindi na makapagsalita dahil sa tensyon n namamagitan sa kanilang apat. "Glendon?" hindi makapaniwalang sambit ni Alexander sa pangalan ng kanyang kaibigan na asawa ng kanyang kalaguyong si Nicole. Hindi na nagawa pa ni Glendon ang makapagsalita. Sa halip ay isang malakas at biglaang sapak ang iginawad niya sa gilid ng labi ni Alexander na siyang ikinabigla ng lahat. "Glendon!" "Alex!" Halos na sabay ng dalawang babae habang si Alexander naman ay napatihaya sa sahig at bahagyang nakadagan sa kanya si Glendon at hawak-hawak ng isa nitong kamay ang kwelyo ng suot niyang polo shirt. "Hayup ka! Paano mo nagawa 'to?!" galit na galit na tanong ni Glendon habang sunod-sunod na pinagsasapak niya si Alexander. "Glendon, tama na!" awat ni Nicole habang pinipilit niyang pinaghihiwalay ang dalawa. Nanatili lang nakamasid si Martha sa mga ito. Gusto lang niyang makita ang magiging reaksiyon ni Nicole habang nag-aaway ang dalawang lalaki dahil sa kalandian nito. Gusto niyang makita kung papaano niya ito maha-handle ang ganitong sitwasyon. "Tama na, Glendon!" muling sigaw ni Nicole pero hindi nagpatinag ang kanyang asawa at nanlaban na rin dito si Alexander. "Call the security guard," baling ni Martha sa receptionist na kasama nila na agad namang umalis sa kanilang harapan. Agad na hinanap ang security guard ng nasabing hotel. Alam kasi na kahit na anong gagawin nila ay hindi nila mapapatigil ang dalawang lalaki kaya kainakailangan nila ng pwersa ng lalaki para awatin ang mga ito. "Martha, ano ba?!" galit na baling ni Nicole sa kanya, "Patigilin mo sila!" pautos pang sabi nito sa kanya at napangisi na lamang siya. "Bakit? Hindi mo sila kayang awatin? Bakit kasi hindi mo pinigilan ang pagiging malandi mo?" Bagsak ang panga ni Nicole sa narinig nito galing sa kaibigan. Matapang na hinarap niya ito at tiningnan ng matatalim. "Ikaw ang dahilan kung bakit sila nag-aaway!" singhal nito sa kanya na siyang tuluyang nagpakulo sa dugo ni Martha. "Ako? Sigurado ka?" may pangungutya niyang tanong. "Sino ba sa atin ang lumandi, Nicole? Ako ba?!" singhal na rin niya rito. "Akala ko naiintindihan mo ako," parang nanunumbat na saad ni Nicole. "Oo, naiintindihan kita pero ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit kita inintindi kahit alam ko namang hindi tama ang mga pinaggagawa mo!" "So, kaya mo dinala si Glendon dito para magkaroon ng gulo?" "No!" maagap niyang sagot, "I didn't bring him here just to make a mess. I brought him here to stop you!" "Traydor ka!" sigaw ni Nicole kasabay ng pagtaas ng palad nito at nang sampalin na sana siya nito ay inunahan na niya ito na siyang labis na ikinabigla nito. Sapol ang pisngi ng kanyang kaibigan na tinamaan ng kanyang palad. Naibaling din kaaagad ni Nicole sa kaliwang gawi niya ang kanyang mukha dahil sa ginawang pagsampal sa kanya ni Martha. Gulat na gulat siya at halos hindi siya makapaniwala! Ang buong akala niya, hindi siya nito kayang saktan, mali pala siya. "Don't ever called me a traitor dahil kahit kailan, hindi kita trinaydor. Lahat ng pakiusap mo sa akin ay ginawa ko. Inilihim ko kay Xia ang panluluko niyo dahil naaawa ako sa'yo, pero anong ginawa mo? Nilaglag mo ako!" "Alam mo bang matagal ko nang alam na nagluluko si Alex sa akin?" Naalala niyang pagtatapat sa kaniya ni Xia nang araw kung kailan niya ito naabutang lasing sa loob ng isang bar. "Someone sent me a message, warned me about his betrayal but I didn't mind it kasi akala ko, pinaglalaruan lang ako ng kung sino mang nagmamay-ari ng phone number na 'yan." Sa totoo lang, kumabog na ang kanyang dibdib nang banggitin ni Xia ang tungkol sa bagay na 'yon. Nagawa kasi niya iyon dahil sa hindi na talaga kinaya ng kanyang konsensiya. At hiling niya na kahit na sa ganu'ng paraan lang ay mabawasan niya kahit papaano ang guilty na kanyang nararamdaman lalo na sa mga panahon na kasa-kasama niya si Xia. "Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ibang babae ang sinabi niya sa akin." She didn't do that! She doesn't have any idea about that thing kaya laking pagtataka iyon sa part ni Martha at wala siyang ibang naisip na taong maaaring gagawa nu'n kundi si Nicole lamang. "Hindi kita nilaglag. Ako ang nilaglag mo!" singhal ni Nicole sa kanya na siyang lalong nagpainit sa kanyang dugo. Hanggang ba sa mga sandaling 'yon ay nagawa pa rin nitong magkunwaring inosente at biktima? Saan na ba napunta ang konsensiya nito? "Hindi mo ako nilaglag? Talaga?" tanong niya na siya namang pagdating ng mga security guards ng hotel at agad na inawat ng mga ito ang dalawang lalaki. Nagpupumiglas pa ang mg ito habang pinipilit na pinigilan ng mga guards. "Then, tell me. Sa timgin mo, sino kaya ang nag-send ng message kay Xia na nagsasabing si Marjorie ang kabet ni Alex?" tanong niya at halos sabay na napatingin sina Alexander at Glendon sa kanila habang si Nicole naman ay napamaang sa narinig at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Martha. "Sa tingin mo, sino kaya?" muling tanong niya at hindi na nakaimik pa si Nicole. "Hindi ba, ikaw lang naman 'yon. Hindi ba?!" "Oo!" matapang na sagot ni Nicole na siyang ikinabigla ng lahat. Sa galit ni Martha ay mabilis na muling dumapo ang kanyang palad sa pisngi ni Nicole na siyang ikinabigla nito. Napahawak si Nicole sa bahagi ng pisngi nitong tinamaan ng sampal ni Martha. "Bakit, Nicole? Bakit?!" Hindi na napigilan pa ni Martha ang kanyang mga luha sa pagdaloy sa magkabila nitong pisngi. Gulat na gulat na rin sina Alexander at Glendon. Galit na napatingin sa kanya si Nicole habang nakahawak pa rin ang isa nitong palad sa pisngi nitong sinampal niya. "Mali ba kung nanaisin kong masigurong kailanma'y hindi niya ako pagdududahan?!" galit nitong tanong sa kanya. Halos hindi mag-sink-in sa utak ni Alexander ang kanyang mga nalaman. "Do you know what have you done?!" Naaalala niyang tanong niya kay Xia noong nagkasagutan sila dahil sa ginawang pagsugod nito sa kanyang secretary dahil sa pag-aakalang kabet niya ito. "Bakit nagagalit ka dahil sinaktan ko ang kabit mo?!" "A-anong kabit ang sinasabi mo?" "Kailan niyo pa ako niluluko? Kailan niyo pa ako talikurang ginagago?!" "Ginagago? Ginagago ba kamo?" "Alex, nagtiwala ako sa'yo. Ni minsan, hindi pumasok sa isipan ko na lulukuhin mo ako tapos ngayong alam ko na, ako naman ang gagawin mong may kasalanan sa lahat?!" "Ano bang tingin mo sa akin? Minahal kita! Pero bakit mo ako niluluko?!" "Nagseselos ka? Pinagseselosan mo ang babaeng walang alam?!" "Walang alam?" "Talaga bang wala siyang alam o pilit niyo lang itinatago sa akin ang panlulukong ginagawa niyo sa akin?" Ngayon, alam na niya kung bakit ganu'n na lamang ka-confident si Xia ng mga sandaling 'yon at ang hindi niya inakala na dahil lang din pala kay Nicole iyon. "At dinamay mo pa ang pangalan ng ibang tao?" Napatango-tango si Martha na para bang nadi-disappoint para sa kaibigan. "Ito ba?" baling niya kay Alexander, "...ito ba ang ipapalit mo sa asawa mong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?" umaagos ang mga luhang saad niya. "Tingnan mo, Glendon," baling naman niya kay Glendon na hanggang sa mga sandaling 'yon ay hindi pa rin nakapaniwala na niluluko siya ng kanyang asawa. "...tingnan mo ang babaeng minahal, pinakasalan at naging ina ng anak mo!" Gusto niyang ma-realize ng dalawang lalaki kung gaano sila katanga nang mahalin ng mga ito si Nicole. "Sana nga, hindi mo pagsisihan ang mga ginawa mo," baling naman  niya kay Nicole saka tuluyan na niyang iniwan ang mga ito. Galit na binaklas ni Glendon ang kanyang braso na hawak-hawak ng dalawang security guards saka niya mabilis na hinila si Nicole palabas ng hotel at naiwan si Alexander na hindi alam kung ano ang dapat gawin. Binitiwan siya ng may hawak sa kanya at nanatili siyang tulala sa kanyang kinatatayuan. Tama pa nga ba ang kanyang mga ginawa? "Ano ba?!"nagpupumiglas na sigaw ni Nicole habang hila-hila siya ni Glendon sa kanyang pulsuhan at pwersahang pinapasok sa loob ng kotse nito. "Saan mo 'ko dadalhin?" tanong niya rito pero nanatiling walang imik ang kanyang asawa. "Glendon!" sigaw niya pero hindi pa rin siya pinapansin ng kanyang asawa. Nanatili itong abala sa pagmamaneho. "Yes, hello?" sagot ni Martha sa kanyang kasama sa trabaho nang bigla itong napatawag sa kanya habang nagbabiyahe na siya pauwi. Hindi pa rin kumakalma ang kanyang kalooban dahil sa mga nangyayari. Mabigat pa rin hanggang sa mga sandaling 'yon. "Mars, Xia is in the hospital right now." "What?!" gulat niyang sabi. "Where are you now?" Matapos sabihin nito ang address ng hospital kung saan dinala si Xia ay agad niyang sinabihan ang taxi driver na iliko ang taxi para puntahan ang kinaroroonan ng kanyang kaibigan. Galit ang kanyang nararamdaman para kay Nicole nang mga sandaling 'yon at labis namang awa para kay Xia. Sana, malagpasan nilang lahat lalo na ni Xia ang mga ito. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung sakali mang may mangyaring masama sa kanyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD