Mula nang malaman ni Alex ang ginawa ni Xia na pag-inom ng birth control ay naging malamig na sa kanya ang kanyang asawa na kahit anong gawin niya ay nahihirapan na siyang muli itong ibalik pa sa dati.
Napatingin siya kay Martha nang tumabi ito sa kanya sabay siko sa kanyang tagiliran.
Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop para sa isang break. Si Nicole naman ay may pinuntahan kaya naiwan silang dalawa. Pagkakataon para usigin ni Martha ang kaibigan tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa kalooban nito.
Alam naman nilang may problema si Xia pero hindi lang nito sinasabi sa kanila pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para babaliwalain na nila ito.
"Sabihin mo nga kung anong problema. Huwag mong itago kasi ramdam na ramdam kong may problema ka, alam kong may nangyayari na hindi namin alam."
Napatingin si Xia sa unahan saka siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"I've been using contraceptive pills just to avoid pregnancy."
Napaawang ang mga labi ni Martha sa kanyang narinig. Hindi niya inakala na gagawin iyon ng kanyang kaibigan.
"Alam ba ni Alex 'yon?"
"Nalaman na niya," malungkot niyang sabi.
"Nalaman na niya?" tanong ni Martha, "So, ibig sabihin nu'n, you made that decision without asking his opinion wether he will agree or not?" hindi nito makapaniwalang tanong.
Marahan siyang tumango habang ang mga luha niya ay nangingilid na sa magkabila niyang mga mata.
"Why did you do that?"
Talagang hindi makapaniwala si Martha na magagawa iyon ni Xia. Ang buong akala kasi nila, talagang mahina lang ang kapit ng sperm cells ni Alex o hindi kaya ay may problema lamang sa ovary ang kaibigan dahil alam naman talaga nila kung gaano inasam-asam ng mga ito ang magkaroon ng sariling anak.
"Ayaw mo bang magkaanak?" tanong ni Martha.
"Hindi sa ayaw ko," ani Xia saka siya napatingin sa kaibigan, "Gustong-gusto ko," umiiyak na niyang saad saka muli niyang itinuon ang atensiyon sa labas ng coffee shop.
"Gusto ko kasing umangat muna sa trabaho bago ako magkaanak," katwiran niya na talagang hindi kayang paniwalaan ni Martha.
"Gusto mong umangat pero bakit kailangan mo pang gumamit ng birth control?"
"Dahil alam ko na kapag nabuntis ako, Alex will ask me to resign para mas matutukan ko ang magiging anak namin."
"At sa tingin mo, kapag umangat ka na at nabuntis ka, won't Alex ask you to resign from your work?"
"Alam kong gagawin niya pa rin 'yon pero atleast, magre-resign ako na kahit papaano, umangat ako sa trabaho."
Napailing na lamang si Martha sa narinig nito.
Ngayon, alam na nito na handa siyang isakrispisyo ang lahat para lamang sa kanyang mga pangarap.
"Alam kong mali at pinagsisihan ko na rin ang bagay na 'yon," aniya saka niya pinahid ang kanyang mga luha.
"So, what is your plan?"
"I don't know," hopeless niyang sagot.
Gusto mang sisisihin ni Martha ang kaibigan dahil sa ginawa nito ay hindi naman niya magagawa dahil ayaw naman niyang lalo lang itong mafu-frustrate sa gagawin niya.
"Alex?" tawag niya sa kanyang asawa habang nakasalampak ito sa kanilang sofa.
Hindi ito umimik at ni hindi man lang siya tiningnan.
"Nakahain na ang hapunan, baka nagugutom ka na," aniya nang wala siyang natanggap na tugon mula rito.
"Kakain ako kapag nagugutom ako," malamig pa rin nitong saad sa kanya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang kumain na lamang mag-isa pero kahit na anong nguya ang kanyang gagawin ay sadyang mahirap para sa kanya lunukin ang pagkain kaya mas minabuti na lamang niyang iligpit ang pinggang ginamit niya saka hinugasan pagkatapos ay tinakpan niya ang pagkaing inihanda niya para sa kanilang hapunan.
Isang sulyap muna ang kanyang ginawa sa kanyang asawa na nanatiling nakasalampak sa sofa habang nanonood ng t.v show ng mga sandaling 'yon.
Dumiretso siya sa kanilang kwarto saka siya humiga at wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak na lamang.
Hanggang kailan ba siya gaganituhin ng kanyang asawa? Hanggang kailan ba magiging malamig ito sa kanya?
Wala na bang pag-asa para naman maayos pa nila ang ano mang nagawa niyang pagkakamali?
Aminado naman talaga siya sa kanyang sarili na mali niya. Pagkukulang niya ang lahat pero dapat ba talagang hahantong sila sa ganitong sitwasyon?
Mahal niya si Alex at hindi niya kayang mawala ito sa kanya pero ano pa nga ba ang nararapat niyang gagawin para naman magiging okay na sila? Para naman, babalik na sa dati ang pakikitungo nito sa kanya?
Nakatulog si Xia na may luha sa mga mata habang si Alex naman ay wala sa sarili habang nakatitig sa kanilang television.
Tumayo siya saka niya nilapitan ang dining table at kinuha niya ang nakatakip sa ibabaw ng mesa.
Nakita niya ang mga pagkaing niluto ng kanyang asawa na halos paborito niya lahat.
Napakunot ang kanyang noo nang mapansin niyang halos hindi nagalaw ang mga iyon.
Hindi ba kumain si Xia?
Pinuntahan niya ang asawa sa kanilang kwarto at nakita niya itong mahimbing na natutulog habang nakayakap sa unan na madalas niyang ginagamit.
Dahan-dahan na nilapitan niya ito saka niya inayos ang pagkakahiga nito.
Inayos niya ang unan pati na ang kumot nito saka niya matamang pinagmasdan ang mukha ng kanyang asawa na punong-puno ng problema sa buhay.
"Sorry. Gusto ko lang namang ma-promote muna bago ako magkaanak dahil gusto kong magiging karapat-dapat ako sa'yo."
Naaalala niyang pagtatapat sa kanya ni Xia nang araw na kinumpronta niya ito tungkol sa bagay na 'yon.
"Oo, aaminin ko. Gumagamit ako nu'n pero maniwala, tinigilan ko na ang paggamit nu'n."
"Sana... sana maiintindihan mo ako."
Masakit talaga para sa kanya ang malaman ang katotohanang 'yon at hindi niya alam kung papaano niya makakalimutan ang bagay na ginawa ni Xia na lingid sa kanyang kaalaman.
"Ano pa ba ang kaya mong isakrispisyo para sa pangarap mo, Xia?" tanong niya sa kanyang sarili habang nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa mukha ng kanyang asawa.
"Okay na ba kayo?" tanong ni Martha kay Xia kinaumagahan sa kompanya.
Marahan siyang napailing at sapat na kasagutan na iyon para masabi ni Martha na hindi pa nga.
"Xi, hindi pwedeng ganito kayo lagi," concern nitong saad.
"Alam ko pero anong magagawa ko? Ayaw niya akong kausapin."
"Ako ang kakausap sa kanya."
"No! Don't do that."
"But why?" nagtatakang tanong ng kaibigan.
"Dahil problema namin 'to. Ayaw kong madamay ka pa at isa pa, baka iisipin nu'n naghahanap ako ng kakampi."
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Napatingin silang dalawa sa kararating lang na si Nicole.
"Ano kasi-----"Wala 'yon! Tungkol lang sa promotion. Hay, naku! Sobrang busy talaga," agad na singit ni Martha sa iba pa sana niyang sasabihin na siyang labis niyang ikinataka.
"Ganu'n talaga 'yon. Dami talagang trabaho," saad naman ni Nicole saka ito umupo sa upuang kaharap nila.
"Ah, by the way, Xi..." Napatingin si Xia kay Nicole nang tawagin nito ang kanyang pangalan.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"I heard your name out there. Pinag-uusapan ka ng ibang empleyado at ang sabi, wala na raw'ng duda, ikaw na talaga ang mapo-promote," pahayag nito na siyang nagpangiti kay Martha.
"Talaga?" manghang tanong ni Martha sabay tingin sa kanya ng mga sandaling 'yon.
"Congrats in advance. Mapasa'yo man ang promotion o hindi, para sa amin panalo ka pa rin," nakangiting saad ni Nicole.
"Oy, kapag na-promote ka na, huwag mo kaming kalimutan dito," pagbibiro naman ni Martha.
"Ano ba naman kayo? Hindi pa nga sigurado ang bagay na 'yon tapos kayo parang napaka-confident niyo naman."
"Eh, malay mo, di ba?" sabad ni Martha.
Napangiti na lamang siya sa mga ito. Mabuti na lamang at nandu'n ang kanyang mga kaibigan para pagngitiin siya kahit saglit.
"Hindi ka ba maglu-lunch?" tanong ni Martha sa kanya habang tutok na tutok siya sa kaharap niyang computer.
"Susunod na ako, tatapusin ko lang," aniya.
"Hay, iwan mo muna 'yan. Kain muna tayo," singit naman ni Nicole.
"Seryoso, hindi pa talaga ako nagugutom," giit pa niya sa mga ito at wala namang nagawa ang kanyang mga kaibigan kaya umalis na lamang ang mga ito para mananghalian.
Natapos na lamang ang time na ibinigay sa kanila ng kompanya para sa kanilang pananghalian ay hindi pa rin siya nakakain, hindi dahil sa gusto talaga niyang tapusin ang kanyang ginagawa kundi dahil wala siyang ganang kumain dahil sa hindi niya makalimutang nangyayari sa kanilang dalawa ni Alex.
Wala siyang ganang kumain dahil bawat segundong lumilipas ay nagbibigay iyon sa kanya ng pagkabahala na baka kung ano na ang magiging kahihitnan ng kanilang pagsasama kapag nagpapatuloy ang ganitong pakikisama sa kanya ng kanyang asawa.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Martha sa kanya habang naglalakad na sila palabas ng kompanya kasama si Nicole nang pauwi na sila.
"Oo nga. Okay ka lang ba talaga? Namumutla ka kasi," puna naman sa kanya ni Nicole.
Sapilitan siyang napangiti sa mga ito para sasabihing okay lang talaga siya kahit na ang totoo ay parang umiikot na ang kanyang paningin.
"Okay lang ako," aniya at nagkatinginan naman ang dalawa na para bang nagdududa.
"Sogurado ka bang okay ka lang?" muling tanong sa kanya ni Martha nang huminto na sila sa labas ng kompanya.
"Oo. Okay lang talaga ako."
"Sige. Mauna na kami," paalam naman ni Nicole.
Kasabay kasi ni Martha sa pag-uwi si Nicole dahil madadaanan lang naman nito ang bahay ng kaibigan.
"Sige. Ingat kayo," sabi niya at agad nang umalis ang dalawa habang siya naman ay naghihintay sa kanyang asawa sa pagbalik galing sa pinuntahan nito.
At habang naghihintay ito ay biglang may text message siyang natanggap galing sa asawa.
Nakauwi na ako. Mag-commute ka na lang.
Napapikit siya matapos niyang mabasa ang message ni Alex. Alam niya, ramdam niyang iniiwasan lamang siya nito.
Napatingala siya para pigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha saka niya nilakasan ang kanyang kalooban.
Naglakad siya. Hindi naman ganu'n kalayo ang kanilang bahay mula sa kompanyang pinagtatrabahuan nila kaya naman, makakarating pa rin siya kahit papaano.
Gusto lang muna niyang magmumuni-muni habang naglalakad. Mag-iisip ng mga bagay kung papaano niya mapapabuti ang kanyang relasyon kay Alex.
At habang dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa pauwi ay bigla siyang nakaramdam ng panghihina ng kanyang mga binti at panginginig ng kanyang buong katawan at maya-maya lang ay pakiramdam niya umiikot na ang kanyang paligid.
Narinig na lamang niya ang sigawan ng mga taong nakakita sa kanya hanggang sa tuluyan nang nawala ang kanyang ulirat.