CHAPTER 33

1648 Words
Habang nag-aayos na si Xia para uuwi na siya ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kwartong kinaroroonan niya. "Let me help you," saad ni Martha nang makita siya nitong nag-aayos ng sarili para naman makauwi na siya. It was Martha kaya aminado siyang disappointed siya dahil ang totoo, she was expecting her husband to come just to check on her pero naisip din niya na papaano siya nito madadalawa gayong kasama nito ang kalaguyo nitong si Nicole. Nang akma na sanang hahawakan ni Martha ang kanyang buhok para ayusin nito ay agad naman siyang umiwas. "Hindi ako pilay, hindi ako baldado," saad niya at walang nagawa si Martha kundi ang tumigil na lamang habang nakamasid siya kay Xia. Nang matapos na si Xia sa kanyang ginagawa ay agad siyang lumabas ng kwarto na hindi man lang tiningnan kahit saglit ang kaibigan. Matapos niyang maasikaso ang kanyang dapat asikasuhin sa loob ng hospital na 'yon ay duniretso na siya sa labas ng hospital "Xia, mag-usap muna tayo," sabi ni Martha habang nakasunod ito sa kanya. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa," matigas niyang tugon at mabilis siyang pumasom sa taxi na kanyang pinara. Sinubukan pa siyang pigilan ni Martha pero mabilis naman niyang isinara ang pintuan ng taxi nang maayos na siyang nakapasok sa loob. "Xia, please," mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Martha pero hindi na siya nakinig pa. Mabilis na tumakbo ang taxi na kanyang sinasakyan habang si Martha naman ay naiwan na may luha ang mga mata. Masyado talagang masakit para sa kanya ang pag-iwas na ginagawa ni Martha sa kanya ngayon pero may magagawa pa ba siya? Tuyo ang mga mata ni Xia habang tumatakbo ang taxi pauwi. Ayaw na niyang umiyak dahil masyado nang maraming luha ang lumabas sa kanyang mga mata dahil lang sa mga taong hindi naman worthy para kanyang iyakan. Pagdating niya sa kanilang bahay ay inaasahan niyang walang Alexander siyang matatagpuan at tama nga ang kanyang hinala. Wala nga siyang nadatnang Alexander sa loob ng kanilang bahay. Nanghihinang napasandal siya sa kanilang pintuan at dahan-dahan na dumausdos kasabay nang muling pag-uunahan ng kanyang mga luha sa pagpatak sa magkabila niyang pisngi. Kani-kanina lang ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya iiyak pero masakit pa rin talaga para sa kanya ang lahat. Hindi pa rin talaga niya kayang tanggapin dahil masyadong masakit! Pero, ano pa nga ba ang kanyang magagawa maliban sa pag-iyak? Wala na! Dahil nangyari na ang lahat. Nandito na at kahit na ayaw niya ay wala pa rin siyang magagawa. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang maging matapang at maging matatag sa muling pagkrus ng landas nilang apat. Sa kabilang banda, habang mahimbing na natutulog si Glendon sa tabi ni Nicole matapos siya nitong angkinin mg pwersahan ay dahan-dahan siyang bumangon. Dali-dali siyang nagbihis at inayos ang kanyang sarili. Mahal niya si Glendon pero hindi pa rin talaga niya kayang tanggapin na siya ang kasama nito, siya ang kayakap nito sa bawat gabing nagdaan, siya ang kahalikan nito at kasiping pero ibang babae ang iiisip at hinahanap nito. Matapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay muli pa niyang sinulyapan ang kanyang asawa na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Muling tumulo ang kanyang mga luha. Lalayuan niya ito dahil sa pagbabasakaling du'n na mararamdaman nito makikita ang kanyang kahalagahan at sana kapag darating man ang araw na 'yon ay mahal pa niya ito nang higit pa sa alam nito. Agad niyang nilisan ang lugar na 'yon. Iniwan ang asawang walang kamalay-malay.  Habang nasa loob siya ng taxi ay paulit-ulit niyang dinadayal ang phone number ni Alexander pero hindi niya ito makuntak. Hindi niya ito matawagan at dahil du'n ay nakaramdam siya nang masamang agam-agam. Hindi siya pwedeng iwan nang ganu'n-ganu'n lang ni Alexander. Hindi pwedeng matatapos sila sa ganu'ng paraan lamang. Hindi pa siya tapos sa kanyang binabalak kaya gagawin niya ang lahat upang magtagumpay siya bago pa man sila tuluyang magkahiwalay. Langung-lango na si Alexander sa alak na kanyang nilalantakan magmula pa kanina sa loob ng isang bar na kanyang pinasukan. Gulong-gulo na ang kanyang isipan sa mga nangyayari. Aminado siyang hindi na niya alam kung ano pa nga ba ang tama at dapat niyang gagawin. Hindi mawala-wala sa kanyang ala-ala kung papaano umiyak si Xia nang mahuli sila nito. Hindi rin niya makalimutan kung papaano nagkagulo ang lahat nang tuluyan na silang nabuko. Masyado nang malaki ang negatibong naging resulta ng kanilang pagtataksil pero masisisi ba sila kung nagawa nila ang bagay na 'yon? Alam naman nilang mali pero gusto lang naman niyang magkaanak at pinagbigyan lang din naman niya ang pagiging uhaw ni Nicole sa ganu'ng bagay mula nang umalis si Glendon. Kahit na mapupungay na ang kanyang mga mata dahil sa kalasingan ay patuloy pa rin siya sa paglagok ng alak dahil gusto niyang makalimot kahit na sa ganu'ng paraan lamang. Nang magising si Glendon mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ay agad niyang natampal ang sarili niyang noo nang hindi na niya nagisnan pa sa kanyang tabi ang kanyang asawang si Nicole. Hinanap niya ito sa loob ng resthouse pati na sa labas sa pagbabasakaling nandu'n lang pala ito pero ni amoy nito ay hindi na niya maamoy pa. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi niya ito makuntak kaya mas minabuti na lamang niyang umalis na lang din para hanapin ito sa pag-aakalang gagawa na naman ito ng gulo na ikapapahamak nilang lahat. Tama na ang gulong naidulot nito lalo na sa mag-asawang Dela Cruz! "Hey, Mrs. Dela Cruz!" Napalingon si Xia nang may narinig siyang boses ng isang lalaki na tumawag sa kanya habang nag-aabaang siya nang masakyang taxi dala ang kanyang mga gamit. Si Manager Santillan! Agad na ipinarada ni Manager Santillan ang dala nitong kotse sa kanyang harapan mismo at napangiti ito nang mpatingin sa kanya. "Where you going?" tanong nito sa kanya at napayuko na lamang siya dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Nag-aalalang agad na lumabas ng kotse si Manager Santillan saka siya nito nilapitan. "B-bakit po kayo nandito?" tanong niya rito nang nakalapit na ito sa kanya. "May pinuntahan lang ako tapos napadaan ako rito," agad naman nitong sagot saka ito nagtatakang napatingin sa dalawang malalaking maleta na kanyang bitbit. "What's wrong?" tanong nito ulit sa kanya. Yes! Aalis siya. Lalayuan na niya ang kanyang asawang nagtaksil sa kanya. Tama na siguro ang lahat ng kanyang mga nagawa. This time, pwede bang siya naman ang suyuin ni Alexander? Ilang ulit na rin kasing siya na lamang lagi ang sumusuyo rito dahil aminado naman siyang may  mali siyang nagawa pero hindi naman siguro tama kung sa kabila ng mga nagawa nito ay siya pa rin ang susuyo para lang magiging maayos ang kanilang pagsasama. "W-wala. M-may-----"It's okay. Hindi mo na kailangang sabihin pa." Napatingin siya sa kanyang manager at nakita niya ang pagngiti nito na para bang sinasabi nitong okay lang, ganyan talaga ang buhay. "Saan ba ang punta mo? Ihahatid na kita," kusang-loob na offer nito sa kanya. "Ah, huwag na ho Manager Santillan, kaya mo naman ho. Sasakay lang ako ng taxi," agad niyang tanggi. Ang totoo kasi, wala pa siyang alam na pwede niyang titirhan sa panahon na kailangan muna niyang mapag-isa kaya malaki siyang abala para kay Manager Santillan kapag nagkataon. "Ano ka ba? Ako na nga ang kusang nag-offer ng tulong, tatanggihan mo pa ba ako?" "Nakakahiya po kasi sa inyo." "Huwag kang mahiya. Oh, ano? Tara na?" Napakamot siya sa kanyang batok. Ang buong akala kasi niya, madali lang kumbinsehin ang kanyang manager na okay lang siya pero mukhang nagkakamali siya dahil mapilit din pala ito. "Ano?" tanong pa nito ulit sa kanya kaya wala na siyang choice kundi ang sabihin na lamang dito ang buong katotohanan. Wala namang masama kung magpapakatotoo naman siya. "Paano po kasi... w-wala pa po akong mapupuntahan ngayon," pagtatapat niya. At sa pangalawang pagkakataon ay napatingin si Manager Santillan sa dala niyang malalaking maleta at kahit na wala man itong sinasabi ay ramdam ni Xia na may ideya na ang kanyang manager kung bakit may dala siyang mga malalaking maleta at kung bakit siya naghahanap ng bagong matitirhan. Pero, kahit na ganu'n ay mas pinili nito ang manahimik na lamang tungkol sa issue na 'yon dahil naman nitong in the first place, wala itong karapatang makialam. "Well, if you don't mind, I know an apartment where you can assure that you are safe to stay in." "Huwag na ho, nakakahiya naman po," muli niyang pagtatanggi pero ayaw naman nito ang tinatanggihan. "Let me help you sa kahit ganitong bagay lang," saad naman nito. Napatingin siya sa mga mata nito at nakita naman niyang sincere ito at alam niyang hindi naman siya nito lulukuhin. "Sige po," nakangiti niyang saad na siya ring nagpangiti sa binata. "Let me handle this," sabi nito sabay agaw ng dalawa niyang maleta na hawak-hawak niya saka nito hinila papunta sa likod ng sasakyan. "Ako na po," awat naman niya pero hindi ito nakinig sa kanya. "Just get inside the car and don't mind me," saad nito at wala na siyang nagawa pa. Nang papasok na siya sa loob ng sasakyan sa tabi ng driver seat ay siya namang pagbukas ng likuran ng sasakyan. Nang ipasok na sana nito ang dalawa niyang maleta ay bigla namang dumating ang isang taong hindi nila inaasahang dumating. Si Alexander! "What are you doing?" takang-tanong nito sa lasing na boses. Napatigil naman si Xia sa kanyang pagpasok sa sasakyan nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa. Agad siyang napalingon sa kinatatayuan ng kanyang manager at nakita niya ang kanyang asawa na atras-abanteng naglalakad palapit kay Manager Santillan. Napatigil na rin si Manager Santillan sa kanyang ginagawa nang makita niya si Alexander. Napatingin ito sa maleta ni Xia na hawak nito habang ang isa naman ay nakatayo pa sa daan. Nagsisimula nang naramdaman nila pareho ang kakaibgang tensiyon na namamagitan sa kanilang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD