Nasa kalagitnaan ng kanyang tulog si Xia nang magising siyang tumunog ang phone niya kaya dahan-dahan siyang bumangon para hindi niya magising ang nahihimbing niyang asawang si Alexander Dela Cruz.
Kinuha niya ang phone niya sa side table na malapit lang naman sa kanya kung saan nakapatong din doon ang lampshade. Binasa niya ang message na dumating at ganu'n na lang ang kaba na bumundol sa dibdib niya nang mabasa na niya ang text message.
Keep your eyes on your husband. He's having an affair with someone you know.
'Yan lang naman ang message na nabasa niya pero talagang nagpakabog iyon sa puso niya. Napatingin siya sa natutulog niyang asawa. Magagawa kaya iyon ng kanyang asawa? 'Yan ang tanong niya sa sarili.
Hindi niya kilala ang nagtext sa kanya dahil unregistered ito sa phone niya at wala naman siyang kilala na ganu'n ang phone number kaya naisip rin niya na baka niloloko lamang siya ng nagtext sa kanya. Pinagtitripan lamang siya, 'yun ang inaakala niya.
Muli niyang ibinalik sa side table ang phone niya saka dahan-dahan na muling humiga sa tabi ng kanyang asawa. Tumagilid paharap sa kanya si Alex.
Umusod siya palapit dito at napaunan siya sa braso nito. Iniyakap niya ang kanyang kanang braso sa beywang nito saka isiniksik ang mukha sa malapad na dibdib ng asawa. Dinig na dinig niya ang normal na pagpintig ng puso nito. Ramdam na ramdam niya ang maiinit nitong hininga sa ibabaw ng kanyang ulo. Maya-maya lang ay naramdaman niya ang kaliwa nitong braso na pumulupot sa kanyang beywang kahit nakapikit ang mga mata nito.
Lalo siyang napasiksik sa dibdib ng asawa. Lagi niyang sinasabi sa sariling kailanma'y hindi siya lulukin ng kanyang asawa. Alam niya, makakapagtiwalaan niya ito. Alam niyang tapat ito sa kanya. Ang dapat lang niyang gawin ay ang magtiwala dito at huwag nang pansinin ang mga ganu'ng bagay dahil alam niyang paninira lang iyon sa kanilang pagsasama.
"Good morning, hon," masayang bati ni Xia kinabukasan sa kagigising lang na asawa. Almost 3 years na siyang kasal sa lalaking ito.
"Good morning," ganti nito saka ito lumapit sa kanya. Niyakap siya nito saka hinalikan ng dampi sa noo.
"How's your morning," tanong niya dito. Dinampian muna siya ng halik sa pisngi niya saka ito sumagot.
"It's fine..." sagot nito saka siya nito dinampian ng halik sa kabilang pisngi niya, "...how about yours?" tanong nito habang yakap-yakap pa rin siya nito. Hinalikan muna siya nito sa tungki ng kanyang ilong bago siya nakasagot sa tanong nito.
"Ok lang naman," sagot din niya. Hinalikan siya nito sa kanyang labi.
"Anong gusto mong almusal ngayon?" tanong niya rito sa pagitan ng ginagawa nitong paghalik sa kanya.
"You," maikli nitong sagot.
"I want you to be my breakfast, honey," bulong nito sa kanyang punong teynga. Nakiliti siya sa ginawa nito kaya napangiti siya.
"You're kidding," aniya.
"I'm not," sagot nito and he pressed his lips onto hers at walang anu-ano'y binuhat siya nito papasok sa kanilang kwarto without interrupting their kissing moment. Alex put her on bed habang patuloy pa rin nitong angkin ang kanyang mga labi.
After awhile, habang pareho silang nakapikit, Alex gently thrust himself onto her. Bawat maiinit na sandali ay kapwa nila pinagsaluhan. The way how Alex make love with her is enough evidence para sabihing hindi ito nagtataksil sa kanya kailanman at kung sino man ang nagtext sa kanya kagabi na nagsasabing nagtataksil sa kanya ang kanyang asawa ay gusto lang itong sirain ang pagsasama. Wala lang itong magawa sa buhay kaya nakapag-isip ng hindi kaaya-ayang gawa.
Napasilip si Martha sa nakangiting kaibigan na si Xia. Nasa trabaho sila ngayon sa loob ng isang napakalaki at kilalang company. Napakunot ang noo niya habang pilit na inaagaw ang atensyon nito. Pero nang hindi siya nagtagumpay ay bahagya na niya itong sinapak.
"Aray naman, Martha!" bulalas nito habang kinakapa ang ulong sinapak niya. Si Martha Alvarez ay kaibigan ni Xia. 4 years nang kasal sa asawang si Marco, may isang anak na babae. Palatawa at masiglahing kaibigan. Hindi boring kasama.
"Kanina pa ako dito pero hindi mo man lang napapansin," sabi niya na para bang nagtatampo.
"Huh? Sorry, hindi kita napansin," ani Xia.
"Ano ba kasi ang iniisip mo at hindi mo ako napansin?"
"W-wala naman," maikling sagot ni Xia.
"Wala daw pero nakangiti..." bahagyang siniko ni Martha ang kaibigan, "...ano ba kasi ang ginawa ni Mister kagabi kaya ganu'n na lang ang laki ng ngiti ng kaibigan ko?" nanunuksong tanong ni Martha. Pinandilatan niya ang kaibigan dahil sa tinuran nito.
"Tigilan mo 'ko, Martha," nakangiti niyang sabi saka kunwaring inabala ang sarili sa kaharap na mga papeles na kailangan niyang matapos.
Keep your eyes on your husband. He's having an affair with someone you know.
Natigilan si Xia sa kanyang ginagawa nang maalala niya ang text message na kanyang natanggap. Muling napatingin si Martha sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Oh, ano naman 'yan? Kaylaki-laki ng ngiti mo kanina tapos ngayon biglang nag-iba? Bipolar lang, besh?"
Humarap siya sa kaibigan na kasalukuyang nasa harap na ng gawain nito habang nakaupo.
"Si Marco..." napatingin sa kanya ang kaibigan ng banggitin niya ang pangalan ng asawa nito.
"Anong tungkol sa kanya?" taka nitong tanong.
"Ah, wala! Kalimutan mo na," umiiling-iling pa niyang sabi saka muling hinarap ang mga gawain. Ngunit, muli siyang natigilan at muling humarap sa kaibigan.
"H-how do you know if he is cheating on you?" napatingin sa kanya si Martha na mukhang naguguluhan sa kung bakit naitanong niya ito.
"H-hindi ko...sinasabi na...na nagtataksil si Alex sa akin. Eh...g-gusto ko lang talaga malaman," depensa niya. Napangiti naman ang kaibigan.
"Nagdududa ka sa asawa mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Hindi, ah!" tanggi niya.
"When he become cold to you..." napatingin sina Martha at Xia sa kararating lang na si Nicole. Kaibigan rin nila ito.
Sina Nicole at Martha ay childhood best friends ni Xia at dahil sa solid nilang pagkakaibigan ay sabay silang nagplano kung ano ang kukunin nilang kurso. Kailangang hindi sila maghihiwalay at nangyari nga.
Mula pagkabata ay hindi talaga sila nagkahiwalay.
Sa kompanyang 'to, silang tatlo ang magkakasundo. Sila ang magkasangga at magkakampi.
"...everytime you want to make love with him, he always tired. He keeps refusing you. He has a lots of alibi para lang hindi kayo makapagsiping."
Alam ni Nicole ang ganu'ng bagay dahil hiwalay na ito sa kanyang asawa. After 5 years of being married ay nagkahiwalay sila ng kanyang asawang si Glendon. Hindi pa rin sila sigurado kung ano nga ba ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.
Hindi nila alam kung sino ang may kasalanan at kung may third party ba talagang involve. Basta ang alam lang nila, may babae raw'ng napupusuan ang asawa nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move-on dahilan para magselos si Nicole at nagiging sanhi ng kanilang away na halos nagiging daily routine na nilang mag-asawa hanggang sa kusang sumuko si Glendon at umalis ito.
"So, kapag naramdaman mong nanlalamig na siya sa'yo, don't ever doubt your doubt dahil minsan, our instinct is more powerful than anything else. You should make a move before you will regret for doing nothing about it."
Natahimik si Xia sa narinig galing sa kaibigan. Napaisip siya kung totoo nga ba ang text message na natanggap niya. Pero, kanino naman kaya galing 'yun? Anong dahilan niya kaya ito nagtext sa kanya? Naalala na rin niya how Alex made loved with her this morning. Walang nagbago. He still aggressive. Hot and sweet. He kissed her the way how he kissed her during their first night together. Enough evidence na rin siguro 'yun para hindi na niya iisipin pa ang text message na kanyang nabasa. Kahit papaano'y napayapa na rin ang kanyang isipan.
"Masarap pa rin talaga ang pagkain nila dito, ano?" puna ni Nicole nang mananghalian na sila sa paborito nilang kainan. Simpleng kainan pero masasarap ang mga pagkain kaya hindi sila nagsasawang magkaibigan.
"What is your plan this weekend, guys?" tanong ni Martha. Magkibit-balikat lamang si Nicole bilang senyales na hindi pa niya alam. Napatingin sila kay Xia.
"I don't have a plan yet," sagot naman niya.
"I have," napatingin sila kay Martha.
"Ano?" Martha asked.
"Let's go to a beach. Let's have some refreshments," nakatingala pang sabi ni Martha.
"Bring your husband and I bring mine, too," dagdag pa nito habang nakatingin sa kanya.
"So, it means I'm out?" ani Nicole.
"Why?" sabay pang tanong nina Xia at Martha.
"Cause I don't have a husband."
Napatawa ang dalawa sa kanyang tinuran.
"Just bring your son," suhestiyon ni Xia.
"Awesome idea!" bulalas ni Martha, "...I'll bring my kid, too para naman may kalaro ang anak mo," dagdag pa niya.
"By the way, Xia..." napatingin si Xia kay Nicole nang kausapin siya nito, "...it's been three years na kayong kasal ni Alex pero wala pa rin kayong anak. Bakit?" seryoso nitong tanong.
"Siguro, hindi pa 'to ang tamang oras para du'n," kibit-balikat niyang sagot.
"Buti naman at hindi pa naghahanap ng anak ang asawa mo," saad ni Martha.
"Wala rin naman siyang kibo tungkol du'n," aniya.
"Ang lalaki, kailangan 'yan ng anak. Minsan, 'yun ang magiging dahilan kung bakit madalas nasisira ang kanilang pagsasama."
Napatingin si Xia sa kaibigang si Nicole.
"Hindi ko sinasabing mangyayari 'yun sa inyo, huh. Ang sa akin, I'm just sharing my own notion about it," depensa nito sa sarili.
"You have a point..." napalingon si Martha kay Xia, "...kailangan mo nang magtrabaho ng sagad para makabuo kaagad," pabirong sabi ni Martha pero may laman naman.
"Hindi naman siguro ganu'n kababaw si Alex para magkasiraan kami," depensa na rin niya sa sarili.
"We don't know. Mas mabuti na 'yung ready tayo," dagdag pa ni Martha.