Napahigit ako ng aking hininga at hindi alam kung ano ang sasabihin habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng tao na puwede kong makabangga ay siya pa. Sobrang bilis nang t***k ng aking puso na para bang ilang oras na akong tumatakbo sa isang daan. Taas baba ang aking dibdib at halos makalimutan ko na ang aking pakay kung bakit ako halos magkadapa-dapa na sa paglakad takbo. "Haelynn? Is that you?" mahina at may pagkagulat sa boses nito nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Napakagat ako ng aking labi at hindi mapigilang makaramdam ng awkwardness. Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. "H-hello po T-tita Natalia…" mahina at kabado kong sagot sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito na parang hindi ito makapaniwa

