"Can we talk, Luna," si Zoren ulit. Hindi niya talaga tinitigilan si Luna. Pinigilan ko ang aking sarili na mag-react. Wala akong karapatan para pagbawalan si Luna. Though gusto ko nang paalisin si Zoren sa bahay. Tatlong taon na ang nakalipas pero makaasta ay parang may karapatan pa siya. Na hawak pa niya si Luna. Tumayo si Luna. Hindi man tumingin sa amin ay alam kong pumapayag siya na mag-usap sila ni Zoren. "Ooppss, pinsan...hayaan mo sila," pigil sa akin ni Sugar nang akma rin akong tatayo para sumunod sa kanila. Lumayo kasi sila sa amin. Nasa gilid sila ngayon ng bahay nakapuwesto. Mabibigat ang pinakawalan kong buntong hininga dahil sa frustration na nararamdaman ko. Parang gusto ko ng alak. Sa una ay pinapanood ko lamang silang mag-usap. Mukha silang seryoso na dalawa kaya i

