"Tumigil ka na, Carmina," saway ng lalaki sa babaeng humihila dito paalis. Samantalang si Luna ay nanatiling nakatayo sa tabi ko habang humihikbi. Umiiling habang nakatitig sa dalawa. "Totoo naman! Kung wala siya rito, masaya na tayo..." "Hindi ba puwedeng kung wala ka sana, kami ang masaya, Carmina?"garalgal ang boses na saad ni Luna. Marahas na pinunasan nito ang luha sa pisngi. "Kaibigan kita na pinagkatiwalaan. Lahat ng sentimyento ko sa buhay idinudulog ko sa iyo. Pero anong ginawa mo? Ginamit mo ang lahat ng iyon para makuha si Zoren. Para iwanan niya kami," bulyaw ni Luna. Tila nawala na sa isip niya na nasa palengke kami at pinagtitinginan na ng mga tao. "Zoren, marami akong pagkukulang bilang babae. Inaamin ko naman iyon, pero sapat ba iyon para lokohin mo rin ako? Imbes na tulu

