Part 43

1434 Words

GINISING si Kitkat ng maliliit na halik ni Dominic sa kanyang balikat. Kalat na ang liwanag sa paligid nang dumilat siya. Bukas ang malaking pinto papunta sa verandah. Doon naglalagos ang sariwang hangin na malamang ay nagpahimbing sa kanya. “Good morning!” sabi nito agad nang magtama ang tingin niya. Ngiti ang itinugon niya dito at saka nag-inat. Mabilis na lumipat ang mga labi ni Dominic sa kilikili niya. “Ay, ano ba?” gibik niya sa magkahalong kiliti at gulat. “I can’t resist. Ang puti, eh.” “May parte ba akong maitim?” She smiled at him knowingly. “Wala nga, eh. Kahit anong saliksik ko sa buong katawan mo, wala. Para kang labanos. Sa puti, sa kinis.” Hinagod pa nito ng hintuturo ang kilikili niya. Napagulong siya sa kama sa kiliti. “Dom!” Hinila nito ang kumot na tumatabing sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD