MASAKIT ang katawan ni Kitkat. Ramdam ng lahat ng parte ng katawan niya ang pagod dahil sa pagniniig nilang iyon. At gutom na rin siya. They spent the next hour with after-s*x cuddling. Kung gaano kainit ang kanilang p********k ay ganoon din naman katamis ang kanilang paglalambing sa isa’t isa. Walang nakaalala ng tunay na pagkain kundi pa magkasunod na tumunog ang tiyan nila. Inabot na sila ng oras ng tanghalian sa kama. Nang dinampot ni Dominic ang service phone ng suite nila ay kinuha naman niya ang kumot at itinapis sa sarili. Pero bago niya natapos iyon ay hinila din iyon ni Dominic. “Bawal ang taguan dito,” pakli nito sa nagpoprotestang tingin niya at kinindatan siya nito. Natawa siya nang walang tunog. Bahagya siyang nag-bow dito saka itinulis ang nguso. She kissed him in the ai

