ISANG dinig pa lang niya sa klaseng ingay na iyon ay alam na alam na ni Kitkat kung ano ang nagaganap sa loob ng unit. Hindi naman siya nagtago nang sampung taon sa kuweba para hindi niya matukoy ang ganoong uri ng ingay. Dapat ay umalis na siya. Puwede naman siyang bumalik sa ibang araw. Pero sa halip, iyong door bell ang pinagdiskitahan niya. Pinindot niya iyon nang halos walang patid. Effective naman. Alin sa dalawa, natabunan ng tunog ng door bell ang ingay ng mga ito o talagang tumigil na. Nakadama siya ng kasiyahan sa huling ideya. “Nabitin kaya sila?” pilyang sabi niya sa sarili. Pero nalukot din ang ilong niya na isiping may kaniig ito sa mga sandaling iyon. “But that was obvious! Hindi ko maipagkakamali sa iba ang ganoong klase ng... s**t, halinghing iyon!” parang nagsisintir na

