Lalong umapaw ang mga luha niya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang pumuno sa dibdib niya. Inipon niya ang mga rosas at bumangon. “Gusto kong maniwala sa sinasabi mo.” “Ang lagay, hindi ka pala naniniwala? Katrina Santos, nagdedeklara ako ng pag-ibig ko sa iyo.” Natatawa pero may luha pa ring naihampas niya nang magaan ang mga bulaklak dito. “Mag-seryoso ka. Bago ka dumating kanina, ready na akong mag-move on.” Pumormal ang mukha nito. Isang buntong-hininga ang pinakawalan at saka tumayo sa harap niya. “Tingnan mo ako. Wala akong hawak kahit ano. Kahit damit, wala ako ngayon. Sasabihin ko uli sa iyo na mahal kita dahil iyang pag-ibig na iyan ang meron ako. Dito.” Dinama nito ang sariling dibdib. “Wala rin akong hawak na singsing ngayon. Pero handa kitang pakasalan. Bigla ka na lang buma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


