CHAPTER 82: Mga Luha Sa Palasyo KONG NARINIG ang tinig na pinagmumulan ng malakas na enehiya at kapangyarihan kong nararamdaman mula sa malayo. Humahaklakhak ito at unti-unti ko nang nakikilala. MGA KUTONG LUPA! sigaw nito sa isip ko. “Hastro!” gigil na sambit ko. Napatingin sa akin ang mga kasama ko. Natukoy ko kung saan nagmula ang tinig at ang naramdamn kong kapangyarihan. “Ang palasyo!” buong pangambang sigaw ni Reyna Kheizhara. Kasabay rin no’n ang pangambang bumalot sa aming lahat. Naramdaman na rin ng reyna ang naramdaman ko. “Nasa palasyo si Haring Hastro!” sigaw ko. Nagliwanag si Reyna Kheizhara, berde at gintong liwanag na mabilis na gumapang sa hangin at bumalot sa aming lahat. Sa ilang segundo lamang ay nagliwanag ang buong kabundukang kinaroroonan namin. Bawat i

