CHAPTER 12: Ang Anorwa At Ang Limang Kaharian ~ SA PALASYO NG EZHARTA ~ Hindi na ako nakatulog nang magising ako mula sa masamang panaginip. Pasaway na Chelsa! Magpapakita nga sa panaginip, kung hindi ako tatakutin, mananakal naman! Pero sa totoo lang, ‘tong nararamdaman ko na pagka-miss sa kanya nang sobra-sobra-sobra! Ay para na rin akong pinapatay. Kaya siguro gano’n ang mga napapanaginipan ko. Wala naman sigurong ibig sabihin ang mga ‘yon. Pero, s**t! Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mga panaginip na ‘yon. Nasaan ka na ba? Nasaan na kayo rito sa mundong ‘to ng papa mo? Sana walang masamang nangyayari sa inyo. Sana… sana, buhay ka nga. Gustong-gusto na kitang makita... Mga nasambit ko sa isip ko at ipinangako kong hahanapin ko sila. Magkaroon lang talaga ako ng mga pakpak, hahanapi

