CHAPTER 8: Ang Simula ng Pagsasanay At Ang Sangtron Ni Nael MAAGA AKONG NAGISING, ngayong araw ang pagsisimula ko ng pagsasanay. Ikatlong araw ko ngayon sa mundo ng Anorwa. Naligo ako sa bathtub – oo, bathtub na pahaba na gawa sa puting bato. Akalain mong may gano’n dito. Pero sa totoo lang, maraming bagay talaga sa mundong ito na gamit din sa mundo ng mga tao. May liquid na sabon na amoy bulaklak na nakalagay sa kakaibang hugis na salaming bote akong ginamit. At may pangsipilyo rin, nahahawig din sa toothbrush at ang toothpaste, matamis na parang prutas. Bumubula rin ang mga iyon at masarap sa pakiramdam. Nagpatuyo ako. Ang bihisan ko ay nakapatong sa kamang tinutulugan ko – tulad ng kasuotan ni Rama, isang pang-sundalo na nagsasanay pa lang. Estudyante ako kumbaga tulad ni Rama, na pa

