Chapter 15 “I'll just use the restroom,” paalam ko sa kanya. Hindi ko matagalan ang panonood habang nakapokus ang titig niya kay Isla. Nagkulong ako sa cubicle at inabala na lamang ang pagbabasa ng mensahe sa akin ng pinsan ko. Maeve: Mag-iingat ka diyan. I-lock mo raw ang pinto ng kuwarto ko bago ka matulog. I sighed. Tumipa ako ng sagot sa kanya. April Rose: Oo. Lagi naman ako naglolock. Si Lola? Tulog na ba? Napatingin ako sa relong pambisig. Alas, otso pa lang ng gabi. Sigurado akong nasa kuwarto na iyon at mahimbing ang tulog. Maeve: Kilala mo naman, 'yon. Kanina pa tulog. Alas, singko yata kaninang kumain ng hapunan. April Rose: Sinong kasama niya sa bahay? Maeve: Auntie Lucring. Busy si mama sa online selling niya. Si Auntie Lucring ang pangalawang kapatid ni

