Chapter 19 Shit! How did I end up here? Nakayakap na sa aking bewang si Iñigo at himbing na himbing ang tulog. Sobrang lapit pa ng mukha! Ramdam ko ang haplos ng mainit na paghinga niya sa aking pisngi. Napapikit ako at dahan-dahang inangat ang kanyang braso. “Uhmm...” mahinang ungol niya, mas lalong humigpit ang hawak sa akin at ayaw kumawala. Kapwa kami natatabunan ng puting comforter kaya hindi ko ramdam ang lamig na dala ng hanging pang-umaga. Pero kailangan ko nang bumangon dahil baka maabutan kami ng masungit na mayordoma. Pinilit kong makawala kay Iñigo at dahil mahimbing naman ang tulog niya'y nakawala rin ako. I stared at his soft features. Dinama ko rin ang noo niya, bumaba na ang lagnat niya. Nakahinga ako ng maluwag. Tingnan mo ang boss kong 'to, mukhang mabait kapag tu

