Bigla ko tuloy na hilot ang aking noo, muli na naman kasi akong na-stress kay Gradety. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Mukhang hindi na tama ang pinag-uutos ng babaeng ‘yon. Nahihibang na ito. Mukang wala itong tiwala sa nobyo nitong si Kent Lucero? Mabilis kong iminulat ang aking mga mata. Muli kong kinuha ang aking cellphone upang magpadala ng minsahe kay detective Gie. Sinabi kong mahirap ang pinagagawa nito. Baka tuluyan na akong mahuli at dalhin sa kulungan. Ayaw kong makulong, ng bata ko pa para makulong. Mayamaya pa’y biglang nag-ingay ang cellphone ko na galing kay detective Gie. Nakita kong tumatawag ito. Agad kong sinagot ang caller nito. “Ceje, ayos lang kung hindi mo magawa, saka mahirap na ‘yong pinagagawa sa ‘yo. May pagkabaliw rin ang babaeng ‘yon. Kung ano lang

