(CEJE’S POV) Panay ang buntonghininga ko habang nakatingin kay tita Sonake na ngayon ay umiiyak habang ang mga mata ay nakatutok kay Sehel na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Under observation pa rin ito ng mga doctor. Marami kasing dumapong sakit ang kapatid ko. At talagang sobrang nakakaawa ito. Hindi pa rin kami pinabayaan ng Panginoon, gumawa pa rin ito ng paraan para makita namin si Sehel. Ngunit TULUYAN na kaming iniwan ni Itay. Ban na kaming pumasok sa bahay na sa aking pagkakaalam ay kay tita Sonake ‘yon. Ngunit kanina lang din namin nalaman na pagmamay-ari na pala ‘yon ni Mine o Minda. Mariin mong ikinuyom ang aking mga kamao. Hanggang sa biglang tumingin sa akin si tita Sonake at may luha pa rin sa mga mata nito. “Hindi ko alam kung papaano kita pasasalamantan, Ceje! H

