Panay ang lunok ko lalo at pakiramdam ko'y nanunuyo ang aking lalamunan. Ngunit patuloy pa rin ako sa aking ginawa. Hanggang sa mabilis na hinawakan ni Kent ang aking pulsuhan at agad na hinila papalapit sa kanyang hubad na katawan na ngayon ay basang-basa ng tubig. Tumingin ako sa mukha nito. Nakita kong may sugat ito noo. May gasgas din ito sa balikat nito. Saan kaya ito nakipaglaban? Pati kamao ng lalaki ay may sugat dito. Gusto ko sanang magtanong ngunit bigla kong naalala ang sabi nito na sa akin na huwag siyang pakialam sa kanya. Dahil may kanya-kanya kaming buhay. Kaya nanahimik na lamang ako. “Lalabas na po ako, Mr Kent. —” kabadong sabi ko sa lalaki. “Ayaw mo akong kasabay maligo, Ceje…?” bulong na tanong sa akin ng lalaki. Hindi naman ako makapagsalita. Paano ba naman dahan –

