Agad kong kinuha ang baso na may lamang tubig at sunod-sunod ko itong nilagok pakiramdam ko kasi ay nanunuyo ang aking lalamuna dahil sa titig ni Kent. Peste! Bakit nakakauhaw ang lalaking ito? Pakiramdam ko tuloy ay inaakit ako ni Mr. Lucero. Dapat hindi ako maakit dito lalo at parang kapatid ko na lang siya. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang medyo lumayo ang lalaki sa akin. Kaya lang kitang-kita ko ang paglabas ng dila nito sa bungad ng labi nito at talagang pinaikot-ikot pa nito. Mabilis na lamang akong umiwas ng tingin sa lalaki. “Huwag kang aalisin ng kwartong ito, Ceje, may pupuntahan lang ako! Pagbalik ko saka tayo mag-usap.” Tumingin pa ito sa akin nang umalis siya sa kwartong ito. Parang may binabasa sa buong katawan ko. Halos pigilan ko ang aking paghinga nang mas mabumab

