Dali-dali tuloy akong naupo sa bakanteng silya at talagang hiyang-hiya ako sa aking katangahan ngayon araw. My Gosh! Hindi ko man lang ito nakita bago ako umalis ng bahay. Saka, hindi man lang ako pinuna ng taxi driver o baka hindi rin nito nakita na hindi magkaparis ang sapin ko sa aking mga paa. Nang tumingin ako kay Kimelines ay panay pa rin ang tawa nito. Ang sarap tuloy pasakan ng isda na hinihaw sa bunganga nito! Nakakainis na ito! Mayamaya pa’y huminto ito sa pagtawa at mukhang nakakahalata na siguro na naiinis ako. “Hayaan mo’t ibibili kita ng slippers bago tayo umalis dito sa loob ng karenderya,” anas ni Kimelines, ngunit muli na naman itong napatawa. Talagang pinanlakihan ko na ito ng mga mata! Baka pasukan ito ng hangin sa kakatawa at hindi na maulian pa. Natuwa naman ako nan

