(OWEN’S POV) MARIIN kong ikinuyom ang aking mga kamao habang nakatingin sa pamangkin ko na ngayon ay papalabas ng opisina ko. Demonyo talaga ito kahit kailan. Sa dalawang kambal, si Keb ang pinakang gusto ko kasi masunurin at marunong gumalang sa akin. Hindi katulad nito na walang galang at barumbado. Ngunit itong si Kent, ibang iba ang pag-uugali nito sa kakambal nito. Hayop! Pabagsak aking naupo sa aking office chair. Agad akong tumingin sa aking kapatid na si Kuya Kerol. Nakita kong iiling-iling ito habang nakatingin sa akin. “Bakit hindi mo na lang hayaan ang dalawa, Owen. Ngayon ka pa ba, hahadlang sa dalawang kung kailan may anak na sila at mas lalong kasal na rin sila," anas ng kapatid ko. Bigla akong nainis sa sinabi ng kapatid ko. Parang ang labas ay ayos lang dito na magkat

