Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari, ngunit biglang kumabog ang aking dibdib sa kaba habang naghihintay sa pagpasok ni Lord K. Nang tumingin ako sa aking kamay ay talaga nanginginig din. Mabilis ko tuloy hinawakan ang aking kamay. Mayamaya pa’y marinig kong bumukas ang babasaging pinto ng hotel na ito. Ilang beses naman akong napalunok habang naghihintay nang paglapit ng lalaking si Mr. K. Lalo, lalo at pakiramdam ko’y nanunuyo ang aking lalamunan. Mas lalo naman akong nagpakayuko-yuko ng aking ulo. Hanggang sa maramdaman kong may dalawang paris ng sapatos ang lumampasa aking harapan. At doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan nang pumasok si Mr. K sa private opisina nito. Bigla kong nahawakan ang aking dibdib at ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog sa loob. Diyos ko po!

