(CEJE’S POV) Dalawang araw ang nagdaan, ngunit nandito pa rin ako sa ibabaw ng kama ni Kent Lucero. Medyo masama pa rin ang aking pakiramdam. Para akong binugbog nang paulit-ulit. Pati ang KelKel ko ay pakiwari ko’y namamaga na rin. Hindi naman ako pinabayaan ni Kent Lucero. Ito talaga ang nag-alaga sa akin. Balak ko na sanang bumangon nang marinig kong may papalapit. Mabilis ko tuloy ipinikit ang aking mga mata. Medyo nahihiya ako kay Kent dahil sa namagitan sa amin. Pinagbuti ko ang pagtulog-tulugan ko. Narinig ko namang nagbuntonghininga ang lalaki. Ngunit naramdaman kong inayos nito ang kumot na nasa aking katawan. Aaminin kong medyo kinilig ako. Ngunit sa tuwing maiisip ko ang nangyari sa amin ni Kent ay para akong makahiya na ang tanging gusto at itago ang mukha ko. May isa pa

