(ACLARE’S POV) Panay ang lakad ko, habang hindi maipinta ang tabas ng aking mukha. Malaki ang problema ko ngayon dahil pinahahanap ni Kent ang pangalan na Aclare. Mabuti na lang at iba ang apelyido na gamit ko. At hindi rin alam kung ano’ng itsura ko. Medyo safe pa ako. Mabuti na lang din at lumalabas ng bahay si Ninang Minda kaya nalaman ka agad namin na wanted ang pangalan ng Aclare at milyong piso ang patong sa ulo. Ngunit kailangan kong gumawa ng paraan. Matalino si Kent at baka ano mang oras ay puwede akong mahanap. Ano’ng dapat kong gawin. Hanggang sa mapatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas ‘yon at pumasok si Ninang Minda. Dali-dali akong lumapit dito upang sabihin ang aking problema. Alam naman nitong nag-aalala na ako, ngunit mas tumindi ang alalahanin ko ngayon. “Da

