Nahihiyan!

1850 Words
Nagising ako dahil sa buhos ng tubig sa aking katawan. Mabilis tuloy akong napabangon. Panay rin ang ubo ko dahil may pumasok na tubig sa aking ilong. Napadaing din ako dahil ibinato sa aking ulo ang timba. “Hindi ka rito reyna Ceje. Alas- singko na ng umaga, ngunit tulog ka pa rin. Dapat kumukuha ka na ng kangkong, ‘di ba? Ang tamad-tamad mo talaga. Siya nga pala, na saan ‘yong pinagbentahan mo ng kangkong kahapon?!” Sabay lahad nito ng kamay sa aking harapan. Agad kong kinuha ang pera sa loob ng bulsa ng luma kong pantalon. Kabilis ko itong binigay sa aking tiyahin. Nakita kong binilang nito ang pera. “Kulang ito ng 20 pesos, ano’ng binili mo sa 20 pesos Ceje?” “Patawad po, tiya Minda. Nahulog po kasi kahapon!” Bigla akong natakot dahil mas lalong nanlilisik ang mga mata ng matanda. “Kahit kailan tanga ka talaga! Kaya dapat lang na rito ka natulog sa labas ng bahay!” Sabay hila sa aking tainga at walang awa na pinilipit ‘yon. “Tiya Minda, tama na po, nasasaktan po ako…” umiiyak na pakiusap ko sa tiyahin ko. Pakiramdam ko’y parang maaalis ang tainga ko. Lumabas talaga ang luha sa aking mga mata. “Umalis ka sa aking harapan Ceje. Baka mapatay lamang kita!” Dali-dali akong tumakbo papunta sa loob ng bahay para magpalit ng damit. Ganoon naman palagi si tiya Minda. Kapag hindi ka agad ako nagigising ay tubig ang palagi nitong binubuhos sa akin. Kung baga na sanay na rin ako sa ginagawang pananakit sa akin ng tiyahin ko. Pagpasok sa akin kwarto ay agad akong nagpalit ng damit. Mamaya na lamang ako maliligo, kukuha muna ako ng kangkong na ititinda ko mamaya. Bigla kong nahawakan ang aking likod dahil masakit ito. Ilang beses itong hinampas ni tiya Minda ng paklang ng saging kahapon. Ang masama pa'y roon ako natulog kagabi sa labas ng bahay at wala akong sapin sa likod. Sa lupa lang ako nakahiga. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa pulutin ko ang damit kong pinaghubaran. Ngunit bigla kong nahawakan ang bulsa ng pantalon kong luma na. Naramdaman ko kasing may nakalagay sa loob. Dalawa kasi ang bulsa ng pantalon ko na ito. Dali-dali kong inalam kung ano’ng laman sa loob. Nang tingnan ko ito ay sobre. Mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan ko ang sobre. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko dahil pera ang laman nito. Saan galing ito? Wala namang nabigay ng pera sa akin kahapon. Mas nagulat ako dahil nasa 20 thousand pesos ang pera. Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas ‘yon at iniluwa si tiya Minda. Hindi ko na natago ang perang hawak ko. “Saan galing ito, Ceje?” Sabay agaw ng pera sa aking mga kamay. “Hindi ko po alam, tiya. Nasa bulsa ng pantalon ko po ‘yan. Kaya nagtataka ako kung bakit may pera ako,” kabadong sabi ko sa aking tiyahin. Wala akong narinig na salita mula sa tiya ko. Dahil binibilang na nito ang pera. “Wala akong pakialam kung saang galing ito. Medyo natuwa naman ako sa ‘yo dahil nakapag-uwi ka nang ganito kalaking halaga ng pera. Ngunit kulang pa rin ito sa mga ginastos ko sa ‘yo noong bata kapa!” “Tiya Minda, pahingi po kahit one hundred pesos. Bibili lang po ako ng shampoo at sabon ko po." Mabilis itong lumingon sa akin hindi maipinta ang tabas ng mukha. “Ano’ng sabi mo, isang daang piso? Nagpapatawa ka ba, Ceje? Heto ang sampung piso. Bumili ka ng sabong panlaba. Iyon ang gamitin mo, aba! Sosyal ka naman kung bibili ka ng shampoo at sabon. Ceje, tandaan mo, hindi ka anak mmayaman, isang kahig isang tuka lamang tayo, kaya huwag kang feeling bilyonaryo!” singhal ng tiyahin ko sa akin. Napatungo na lamang ako. Walang salita na kinuha ko ang sampung piso na piso-piso na hinagis pa sa akin ng tiyahin ko. Isa-isa ko itong pinulot sa sahig. Pagkatapos ay agad na rin akong umalis ng bahay para kumuha ng kangkong. Medyo natuwa ako dahil marami kong nakuhang gulay. “Ineng!” Mabilis akong lumingon sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Nakita ko si Manang Mesang. May hawak-hawak ito na dahon ng malunggay at ilang piraso na talong. Agad itong lumapit sa akin. “Manang Mesang, may kailangan ka po ba?” “Kanina pa talaga kita hinihintay, Ceje. Dahil ibibigay ko sa ‘yo itong malunggay at talong. Itong malunggay ay puwede mong ibenta at ito namang talong ay lutuin mo na lamang. Para may ulam ka. May sasabihin din ako sa ‘yo kaya hinintay talaga kita rito—” Nahinto sa pagsasalita si Manang Mesang. “Gusto mo bang magtinda ng isda tuwing sabado at linggo ng umaga, kung hindi mo naman mapapapaubos ay walang problema dahil babayaran pa rin kita, Ceje,” anas sa akin ng matanda. “Opo, gustong-gusto ko po, Manang Mesang. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ako sa 'yo—“ tuwang-tuwa na sabi ko sa Ginang. “Sige, pumunta ka rito sa sabado at linggo. Naku! Iwan ko ba naman riyan sa tiyahin mo at sobra kang kinakawawa. Hindi ka na nga pinag-aral, grabe ka pang alipustahin. Ilang taon ka na ba, Ceje?” “Labing walong taong gulang po. Gusto ko nga pong magtrabaho, ngunit ayaw naman po ni tiya Minda. Magtinda na lang daw po ako ng kangkong. Saka wala raw pong mag-aasikaso sa bahay—” malunggay na sa sabi ko sa Ginang. Nakita kong umiling ang matanda. “Pasaway talaga ang tiyahin mong ‘yan. Kung pinayagan kang magtrabaho, tiyak na kahit papaano at makakaipon ka. Wala namang ginagawa ang tiyahin mong ‘yan kundi ang magsugal araw-araw. Iwan ko ba naman kung bakit may mga taong ganiyan ang pag-uugali. Hindi ka naman ibang tao—!” malatak ni Manang Mesang sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung bakit ang tapang sa akin ni tiya Minda, samantalang lahat ng gusto niya ginagawa mo. Magalang na lamang akong nagpaalam sa matanda. Ngunit habang naglalakad ay bigla kong hinawakan ang aking tiyan. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Kagabi pa kasi ako hindi kumakain. Napatingin naman ako sa puno ng bayabas na hitik sa bunga. Dali-dali akong lumapit upang pumitas, puwede na ‘yon pamatid gutom. Hindi ko rin naman kasi alam kong may pagkain sa bahay. Minsan kasi ay kumakain na lang si tiya Minda sa karenderya. Hindi nga ako mabilhan noon ng kahit isang piraso na prito ng manok. Nang maubos ko ang bayabas ay kahit papaano ay nawala ang pagkalam ng aking sikmura. Nang makarating naman ako sa bahay ay dali-dali kong inayos ang mga ibebenta kong gulay. Ngunit muli kong hinawakan ang aking tiyan nang makaramdam na naman ako ng gutom. Dali-dali tuloy akong pumunta sa kusina. Agad kong binuksan ang kaldero. Nakita kong may kaunting kanina pa. Sinuro mga dalawang kutsara pa ito. Puwede na ito. Ang mahalaga ay malagyan ng laman ang aking tiyan. May nakita naman akong kaunting asin. Sanay naman akong kumain ng tubig at asin. Hindi ko na kailangan mag-inarte lalo at gutom na talaga ako. Aaminin ko na kulang pa ang kanin, ngunit uminom na lamang ako ng tubig upang mabusog. Kailangan kong mapaubos ang malunggay upang may pambili ako ng makakain ko. Hindi naman ako bibigyan ni tiya Minda sa perang nakita ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Ngunit saan kaya galing ‘yon, Hindi kaya binigay ng taong matapang? Pero bakit kaya niya ako bibigyan? Kailangan kong makausap si Kimelines. Pagkatapos kong ayosin ang aking sarili ay agad kong kinuha ang basket na pinaglalagyan ng mga gulay na ititinda ko. Lahat ng mga bahay na aking nakikita ay inaalok ko talaga ng gulay. Natutuwa naman ako dahil napaubos ko ang malunggay at kangkong. Gusto ko sanang bumili ng bigas kaya lang baka pagalitan na namana ko ng tiyahin ko. Baka sampal na naman ang abutin ko rito. Dumaan na lang ako sa karenderya upang kumain. May benta naman ako sa malunggay. “Ate Adal, puwede bang kanin na lang ang aking bibilhin tapos, hihingi na lang ako ng sabaw,” malunggay na sabi ko sa babae. “Akong bahala, doon ka na sa loob kumain. Siguro hindi ka na naman pinakain ng tiyahin mo.” Sabay iling nito ng ulo. Agad akong dila sa pinakang kusina ng karenderya na ito. Gusto kong maiyak dahil ngayon lang ako makakakain ng masarap. Caldereta manok ang pinaulam nito sa akin. Libre na rin ang kanin. Mabait ito sa akin. Pati ang nanay nito ay mabait at sila rin ang bumibili ng mga kangkong ko. “Hey, bakit ka umiiyak, Ceje?” Dali-dali itong lumapit sa akin upang aluin ako. “Masaya lang po ako, ate Adal. Kasi sobrang bait mo sa akin.” Sabay pahid ng luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na hinawakan nito ang aking palad. “Ceje, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Bata ka pa. At naniniwala ako na pagsubok lamang ang lahat ng mga nararanasan mo. Kung may problema ka o nagugutom ka pumunta ka lang dito sa karenderya…” bulong sa akin ng babae. “Maraming salamat po, ate Adal—” Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay. Mayamaya pa’y agad na rin akong umalis dito sa karenderya at baka hinahanap na ako ng tiyahin ko. Magluluto pa ako ng kanin at talong na galing kay Manang Mesang. “Ceje!” Bigla akong napahinto sa paglalakad ko. Nang marinig ko ang boses ng tiyahin ko. Kasalukuyan pa naman akong papalabas ng karenderya. “T-Tiya Minda—” kabadong sabi ko. “Ano’ng ginagawa mo sa karenderya na 'yan? Nagbuhay mayaman ka na naman ba at binili mo ng masarap na pagkain ang mga pinagbentanhan ng kangkong!” Malalaki ang hakbang nito papalapit sa akin. “Tiya Minda, hindi ko po binawasan ang pera—” Ngunit mabilis na bumaling ang mukha ko papunta sa kaliwa nang buong lakas akong sampalin nito sa aking pisngi. Agad kong hinawakan ang pisngi ko at sunod-sunod ding umagos ang luha sa aking mga mata. “Imbes na umuwi ka ng bahay para magluto, ay nandito ka sa karenderya at nagbubuhay mayaman! Wala kang talagang silbi kahit kailan, Ceje!” At basta na lang hinila ang aking buhok. “Aleng Minda, mali naman po yata na saktan mo si Ceje sa maraming tao! Pinahihiya mo po ang bata—” narinig kong saway ni ate Adal. “Huwag kang mangialam dito Adal. Ang buhay mo ang pakialaman mo! Kaya ka iniwan ng asawa mo, kasi chismosa ka!” pang-iinsulto ng tiyahin ko kay ate Adal. Agad naman akong binalingan ng tiyahin ko at muling hinila sa aking buhok. Kaya habang naglalakad kami ay hila-hila pa rin nito ang buhok. Tiniis mo ang hiya na aking nararamdaman, lalo at nakatingin sa amin ang mga tao. Panay lang ang patak ng luha sa aking mga mata habang tinitiis ang sakit ng aking anit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD