Salubong ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi nitong malaki ang bunganga ni Kimelines. Ang sarap tuloy budyakin ng lalaki. “Ano’ng sabi mo? Pakiulit, Oreb?!” halos pasinghal na tanong ko sa lalaki. “Huwag kang maingay, Ms. Ceje. Baka marinig ka ni Lord Kent. Lagot ka roon, nakakatiyak ako na ibibitin ka noon nang patiwarik,” mapang-asar na sabi nito sa akin at agad na inilihis ang usapan. Ngunit kitang-kita ko sa labi nito ang katuwaan. Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao. “Umalis ka sa aking harapan, Oreb! Baka samain ka!” singhal ko sa lalaki. “Huwag kang aalis dito, Ms. Ceje. Maraming kalaban sa buong paligid—” bilin ni Oreb sa akin. Hindi ako nagsalita. Ngunit patuloy pa rin ako sa pagkuha ng video kay Kent. Nang tingnan ko si Oreb ay nakita kong papalapit ito kay

