Dahan-dahan akong lumingon upang tingnan ang lalaking dumating, ngunit nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang bulto si Kent Lucero. Gulat na gulat ako sa pagdating nito. Bakit kaya nandito ang lalaking ito? “M-Mr. Lucero, ano pong ginagawa mo rito? Pasensiya na po sa nakita mong eksina, ngunit kailangan po naming bigyan ng parusa itong si Ceje Bril…” “Bibigyan mo ng parusa, ngunit hindi mo alam kung ano’ng tunay na nangyari? May new rules na ba rito sa K. L High School na hindi ko alam?!” Kitang-kita na ilang beses napalunok ang guidance counselor. “Sinaktan niya ang aking anak, hindi pa ba sapat na ebidensya ‘yon, Mr. Lucero? Maraming nakakita sa kanyang ginawa. Mr. Lucero, maging patas sana po tayo,” anas ng Ina ni Talyn. Wala akong narinig na salita sa lalaki. Ngunit bigla

