Chapter 28.1 Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Sky at nakita ko siyang humihikbi habang yakap ang teddy bear niya na nakasuot ang kwintas kung saan ginawa niyang pendant ang promise ring na bigay sa akin ni Brix. "Mama" iyak nito. Nginitian ko siya at nilapitan. "Am I bad son, Mama?" patuloy nitong iyak. Marahan kong pinunasan ang luha ng aking anak bago siya sagutin. "You are the most kind and the sweetest baby" nakangiti kong sabi sa kanya. "But I made Papa cry kanina Mama. He's crying because I was bad to him" napangiti ako sa sinabi nito. "Do you love Papa?" mabilis na yumakap sa akin si Sky at umiyak ng malakas. "Sobra, Mama. I miss him na but I was mad because he's shouting at you. Sabi mo bad mang away ng girl eh" marahan kong hinaplos ang buhok ni Sky.

