Chapter 21.1 Nagising ako nang maramdamang wala si Brix sa tabi ko. Idinilat ko ang aking mata at naupo bago nag unat. Napangiti ako nang maalala ang pinagsaluhan namin kagabi. Napatingin ako sa aking katawan suot ko ang t shirt ni Brix na abot hanggang sa aking binti. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri bago tumayo para hanapin si Brix. "Baby?" tawag ko kay Brix pero tahimik pa din ang buong bahay. Naglakad ako para hanapin si Brix. May narinig akong boses nang nag uusap kaya naman sinundan ko yun. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng study room ni Brix. Papasok na sana ako nang marinig ang boses ng isang babae. "Tinotoo mo talaga Brix?" tanong nito. Napasilip ako sa kaunting siwang at nakita ko si Brix at si Raya na nag uusap. "I never thought na talagang makukuha m

