Chapter 14.1 Napadasal ako nang magsimula ang laban ni Brix. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko nang nakitang nangunguna na siya. "Whoooo, Go baby" sigaw ko ng malakas para i cheer siya kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig. Sobrang ingay ng buong venue dahil sa mga kanya kanyang cheer. Napakapit ako sa mga ka teammates ni Brix nang makitang pabalik na siya at meron siyang halos kasabay. "Gooooo My Mooonnnteeellfaaallcooo" buong lakas kong sigaw. Halos hindi ako huminga nang makita kung gaano sila kalapit nang kalaban niya. Nagtatalon ako sa tuwa ng una siyang makahawak sa tiles ng pool. Nakipagyakapan pa ako sa mga ka teammates niya dahil sa tuwa. Nakangiting umahon si Brix habang nakatingin sa akin. "I loooveee youuuu" sigaw ko sa kanya at nag finger heart pa dahilan

