Dinner date

1763 Words
Jasmine’s pov Pumarada ang sasakyan sa valet ng hotel. Nauna naman siyang bumaba at kagaya kanina nagpakitang gilas ang mokong! Pinagbuksan ako ng pinto saka inalalayang lumabas sa kotse. “Be careful! paalala niya pa sa akin ng nagmamadali na akong makapasok sa lobby ng hotel. Hindi ko siya inimikan nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad! “Hey…jasmine hintayin mo ako rinig kong tawag niya sa likuran ko. Laking gulat ko pa ng bigla nalang niyang hinila ang kamay ko at hinapit ang bewang ko! “Babe…wag ka nang magalit okay!” “Pwede ba wag ka ngang umastang boyfriend kita! “Pero kailangan nating magkunwari dahil nasa teritoryo ka ng hotel ng lolo ko! Ano nalang ang sasabihin nila sa atin di ba? “Hindi ako sumagot.” Pagpasok sa lobby ng hotel napansin kong pinagtitinginan naman ako ng mga naroon nakaramdam ako ng matinding hiya at takot baka may makakilala sa akin at makarating sa pamilya ko! Nilagpasan ko siya at mabilis na pinindot ang up button ng elevator. Mabilis naman siyang nakasunod sa akin! Babe…mali ka ng napuntahan this way sabi niya… “Dito tayo sa exclusive elevator para mabilis okay.” Hindi ko pa rin siya inimikan pero sumunod pa rin ako sa kanya ayoko ng makaagaw ng atensyon ng mga tao. Nakarating kami sa top floor sa penthouse sa exclusive suite room niya. Maganda at malawak ang espasyo. Kumpleto sa gamit at hi-tech ang mga appliances. Hindi ko ito na-appreciate ng gabing iyon dahil bangag pa. Maya maya ay may inabot siyang paper bag sa akin. “Here... magbihis ka mamaya ipakilala kita sa grandpa ko.”wika niya sa akin. Sinilip ko ang laman ng paper bag damit at sapatos ang laman binalik sa kanya. “Hindi ko kailangan ng mamahaling gamit sabi ko sa kanya.” “Babe...kailangan mong isuot yan dahil formal occasion ang pupuntahan natin mamaya ayoko namang ma out of place ka doon. Napasinghal nalang ako at tumayo dala ang paper bag. Pumasok ako sa banyo. Napahanga naman ako sa disenyo ng banyo napaka hi-tech at may bidet toilet bowl pa, ito ang madalas na nakikita ko sa pinapanood kong koreanovela na automatic na may lumalabas na tubig pag gustong mong maghugas tapos may dryer din. Very convenient at alam kong pricey ito. Sensored din ang faucet at naglalakihang bath tab! Hinubad ko na ang suot kong faded jeans at t-shirt saka ko naman sinuot ang formal dress na binigay niya. Isa itong petite casual floral dress na above the knee. Parang nakita ko na ito sa tv suot ng isang sikat na artista. Sigh... Sakto lang ang fitting sa katawan ko. Infairness...mukhang alam na ng mokong na yon pati ba naman ang size ko ha bulong ko sa sarili ko.! Paglabas ko ng banyo ay nakita ko namang nakatayo siya sa may veranda nakatanaw sa overlooking view ng isla. Pagpihit ko ng door knob napansin kong lumingon siya at pinagmasdan ang suot kong damit. Naiilang ako sa mga titig niya nakakapanlambot ng tuhod. Tila ba nanghihina ang buong sistema ko sa tuwing nagsasalubong ang aming mga mata! Lumapit sa akin at bumulong “You’re so sexy babe!”puri ng loko loko sa akin. “Are you ready? tanong niyang muli. Nahihiya akong magsalita kaya tango na lang ang tangi kong sagot. “Good so let’s go! wika niya sa akin. “okay! maiksi kong sagot. Sumakay ulit kami sa exclusive elevator ng hotel. Katahimikan ang bumabalot sa loob ng elevator. Tumunog ang cellphone niya at may kinausap ito. Napansin kong lumayo siya sa akin. “Okay..see you then.. Yun lang ang narinig ko dahil parang nagbubulungan lang naman sila ng kausap niya! Lumabas kami sa hotel at nakita ko namang naka abang na si manong driver. As usual, nagpakitang gilas ang loko. Umandar ang sasakyan at umalis papalayo sa hotel. Hindi ko kabisado ang isla kaya napansin kong paakyat ito sa mataas na parte ng bundok. Huminto kami sa tapat ng isang exclusive resort. Di ko maiwasang humanga sa ganda ng lugar. Mayroon itong infinity pool at nag gagandahang gazebo at cottages. Saka niya ako dinala sa isang secret garden. May nakalagay doong isang round table at may naka set up na isang dinner date candles. May mga nakasabit na nag-gagandahang talutot ng bulaklak. Namiss ko bigla ang pamilya ko. “Jasmine come here…senyas niya sa akin na lumapit sa table. “Have a sit babe…”lambing niya. Naupo ako sa upuan inalalayan pa ako ng mokong mukha ba akong paralisa di kasi ako sanay sa ganitong set up! Siguro kong boyfriend ko siya baka kilig to death na ako.^-^ Maya maya lang ay nagsimula nang magserve ang waiter bitbit ang dalang tray ng iba’t ibang putahe ng pagkain saka isa isa itong sinerve sa amin kagaya nalang ng beefsteak, carbonara salad at cordeon bleu. Perstaym kong makakain nito sanay kasi ako simpleng buhay sanay na akong kumain ng gulay at isda lang. Once a week lang din kami nagkakarne. Nagsalin naman ng wine sa kopita ang isang waiter saka nilisan ang lugar. Tanging tunog ng kubyertos ang naririnig habang kumakain at walang may balak na magsalita sa aming dalawa. Maya maya lang ay sinulyapan ako saka...tumayo... may kinuha pala sa ilalim ng mesa. Sabay abot sa akin ng bulaklak. “For you…sabay abot ng boquet of red roses sa akin. Infairness kinilig ako ng konti! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero naramdaman kung namumula ang mga pisngi ko!^-^ Tinanggap ko naman ang bulaklak at inamoy amoy kunwari ^-^ Perstaym ko kasi makatanggap neto paano wala naman ako boyfriend choosy pa ba ako?! “Ah…babe nagustuhan mo ba ang inihanda kong dinner date? tanong ng mokong. Hindi ako sumagot kunwari di ko siya narinig. Deadmabels ang peg... Napansin ko namang may hinihintay siya kanina pa siya sumisilip silip sa may b****a. Maya maya lang ay lumiwanag ang kanyang mukha ng makita ang mga paparating. Bakit parang invited ang buong barangay akala ko ba dinner date daw ito!tsk.tsk. Kagaya niya tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. "Babe...meet my parents! Aha...ano ito bakit kasama ang parents niya sa date. Nanlamig ang mga kamay ko parang gusto ko ng tumakbo palayo sa lugar o kaya sana lamunin nalang ako ng lupa. Narinig kong binulungan niya ako. "Don't dare to escape babe! Hinapit ang bewang ko at saka mahigpit na hinawakan! "You're so nervous babe...relax okay. "Di ka nila kakagatin!..." paglalambing ng mokong sa akin. "Dad...mom let me introduce to you my fiancèè and soon to be wife..."pakilala niya sa akin. "Para akong nabuhusan ng malamig na tubig yung alam niyo yon ung usong ice bucket challenge ganon ang feeling ko ng mga oras na yon!". Nginitian ko naman ang parents niya at binati. "Good evening po tito..tita...mano po."bati ko kanila. "God bless you hija...saka tumikhim. Sunod naman ang twin sisters niya. "Babe...sila naman ang eldest twins sisters ko meet ate Charlotte and Charmaine. " "Good evening po ate Charlotte...ate Charmaine... Nagulat pa ako kasi nagbeso beso pa sila sa akin. "Goodluck future sis inlaw!" "Ah...wait babe ayan na pala si lolo. Lumingon ako at sinundan ang tinuturo niyang paparating. Para akong estatwa di ko maigalaw ang mga paa ko! shit... Di ako makapaniwala sa nakita ko so tama nga ang kutob ko siya nga ang tinutukoy na apo ng big boss ko! Parang gusto ko ng maglaho ang bilis naman ng mga pangyayari wala pa ngang isang linggo ang nakalipas pero parang ang dami dami na ng nangyari sa buhay ko! "Jasmine hija...kumusta ka na? "Good evening po sir..o..okay lang po. "Oh...bakit parang tinakot ka naman ng apo ko halatang ninerbyos ka hija. "Grandpa...nabigla lang siguro si Jasmine surprise dinner date ko kasi ito sa kanya. paliwanag naman ng loko loko kay lolo este sa lolo niya. "I'm fine po don't worry sir." Nang may narinig akong nagputukan! Napatakip pa ako sa dalawang tenga ko akala ko kung ano saka napansin kong unti unting naglabasan ang mga tao! Teka saan sila galing kanina wala naman akong nakikitang tao! "wow ang ganda nang fireworks!".sigaw ng mga tao "Hinila naman ako ni Charles para panoorin ang fireworks ng makita ko ang nakasulat sa himpapawid... "Jasmine,, will you marry me" Halos matumba ako sa nakita ko! Lord sana panahinip lang ito pinisil pisil ko pa ang mga pisngi ko! Narinig ko ang boses ni Charles at nakita kong nakaluhod na siya na may hawak na maliit na velvet box at may nakalagay doon na diamond ring! s**t na malagkit please lupa lamunin mo na ako di ko na talaga kaya itong nangyayari! Malakas na sigawan ang naririnig ko sa mga taong nakasaksi sa amin. Miss... say yes... cheers nila sa akin! Ang swerte naman ng girl rinig ko namang boses ng isang babae. "Jasmine Villareal, will you marry me? "Charles...nauutal kong sabi hindi pa ako ready mahina kong sabi sa knya. "Jasmine just answer yes or yes?!may banta sa tono ng boses niya. Nanginig akong sumagot at tila basang basa na ang mga pisngi ko teka umiiyak na pala ako ng di ko namamalayan! Tears of joy ba ito o dahil pinilit lang ako! Pikit mata ko siyang sinagot... "Ye...ye...yes Charles i I will marry you! saka naman siya tumayo at sinuot ang diamond ring sa kamay ko... niyakap at hinalikan pa ako! Maingay na palakpakan naman ang narinig ko at cheers ng mga taong nakasaksi sa proposal ni Charles Buenaventura ang ruthless at cold billionaire na apo ng mga Buenaventura! Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito January 8, 2019 alas otso ng gabi na napilitang gawin ang isang bagay na hindi ko kailanman inaasahan at ginusto! Mahal ko ang pamilya ko at pakiramdam ko malaking pagtataksil ang nagawa ko! "Congratulations!" bati ng pamilya ni Charles. "Thanks po mom...dad and grandpa sa support" "Okay...anak take good care of her she's still young anyway... his mom said. "Excited for my apo."dagdag pa ng dad niya. "Happy for you bunso...finally nakita mo na ang love of your life"sabay sabay na wika ng kambal. "Jasmine, inform your parents so we can set the date of your wedding."sabi naman ng lolo niya. "Sir...I will try me best po pero as of now...malungkot kong sagot. "I know hija... "salamat po." "lolo...from now on lolo na ang itawag mo sa akin hija... "Sir...pero... "okay lang hija take your time!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD