Jasmine’s pov Time flies so fast malapit na ang graduation ko, madalas nga ay di ko na magawang makauwi ng barrio tanging sa cellphone nalang ang komunikasyon namin ng pamilya ko! Sabado na naman at pinuntahan ko ang tutee kong si Eugene sa tinutuluyan nitong condo para sa make up session namin. Ngayon ko lang napansin na magkalapit lang pala ang building ng condo niya at tinutuluyan naming hotel ni Charles kaya hindi na ako nag abala pang magpahatid sa driver niya. Si Charles naman ay nagpaalam na uuwi muna sa Bacolod may aasikasuhin daw itong importanteng bagay! Pagkatapos ko namang magturo kay Eugene ay napagdesisyunan ko na ring umuwi na muna ng barrio total wala naman siya. Sobrang miss ko na ang pamilya ko! Ako kasi ang papa’s girl sa aming tatlo kahit nga na ako ang star sa

