Jasmine's pov Papasok na sana ako sa opisina ng biglang tumawag si mama na kailangan ko raw bumalik sa bahay! Dali dali naman akong pumara at nag abang ng sasakyan pabalik sa bahay! Pagdating ko ay nadatnan kong walang humpay ang iyak ng dalawang bata! Naawa ako sa mama ko at natataranta sa paghehele sa dalawa talo pa nga niya ako nakayanan niyang kargahin ang dalawang bata! "Anak, dalhin nalang kaya natin ang kambal sa ospital ang taas ng lagnat ng kambal!--- suhestiyon ng aking ina. "Si..sige po mama ihanda ko lang ang mga dalahin ko. " Nilagay ko sa maliit na bag ang gatas diaper at damit ng kambal saka kinarga gamit ang baby carrier na binili ko pa sa Korea. Si mama ang may karga kay yenna at ako naman kay yohann. Binabaktas namin ang kahabaan ng highway may kalayuan pa k

