MAGAAN ang pakiramdam ni Calixa habang binabagtas niya ang hallway patungo sa condo unit ni Gilbert na matatagpuan sa isang gusali sa bandang Ortigas. Hindi iyon kalayuan sa kumpanyang pinagtatrabhuhan nito at sa pwesto ng kainan nila. Sosorpresahin niya ang kasintahan sa pagpunta niya doon dahil tumawag ito kanina sa kanya. Kagagaling lang nito sa Cebu kaninang madaling araw dahil may event itong kailangang puntahan. Sa halip na puntahan siya ay ipinilit niyang magpahinga nalang muna ito. Ilang beses na din siyang nadala ng binata sa condo nito kaya kabisado na niya iyon. Kilala na din siya ng mga guwardiya at receptionist sa building kaya hindi na siya nahirapang makapasok. Akmang kakatok siya sa pinto ng unit ng magbago ang isip niya. Ibinigay sa kanya ng binata ang isang key card nito

