CHAPTER 2

1732 Words
“WOW! Is this for Cali? Again?” nakangising tanong ni Perry sa kanya. Bigla itong sumulpot sa kanyang opisina. Isinandal ni Gilbert ang likod sa back rest ng kanyang swivel chair saka ipinatong sa kanyang ulo ang dalawang kamay. Mababakas sa gwapo niyang mukha na maaliwalas ang kanyang aura. “Wala ng iba pa, pare. Siya lang naman ang binibigyan ko ng mga ganitong regalo.” Tukoy niya sa isang kahon na may laso sa ibabaw ng kanyang mesa. Ang laman niyon ay isang malaking pulang rosas na inorder pa niya sa isa sa pinakasikat ng flower shop sa Pilipinas. Matagal iyon malanta hindi kagaya ng ibang bulaklak. Pumalatak ito. “Wala na akong masabi sa inyo ni Hermani. Talagang pursigido kayong mapasagot ang mga babaeng nililigawan niyo. Nagagawa niyang magsibak ng kahoy at manilbihan sa probinsiya. Well, Hermani has his reasons para manilbihan siya kay Danyela. Sinabi niyang sa tingin niya ay mayroon siyang pag-asa sa babae. Pero ikaw, Gilbert…” umiiling iling ito. “At ikaw naman heto, nagpapakabaliw sa babaeng alam mong wala kang pag-asa ---.” “Hold that thought pare.” Putol niya sa sinabi niya. “Just so you know, I can feel na may pag-asa ako kay Cali ---.” “Really?! Kaya pala madalas niyang ipabalik ang mga binibigay mo sa kanya at ang balita ko ay masungit siya sa iyo.” Putol nito sa kanya. “Not to mention na palagi ka niyang iniiwasan.” “Yes. Masungit siya sa akin, but that doesn’t mean that she doesn’t like me. I know. I can feel it. It’s hard to explain. And I really have this feeling na hinahatak kami palagi sa isa’t-isa kahit pa madalas niya akong itaboy. It’s just parang front niya lang iyon. But something is there. I can feel it men.” Mahabang sabi niya. “Ganyan ang mga sinasabi ng mga taong expectorant pare.” Nakangising turan nito. “Expetorant? And when our COO learn that word pare?” kunwa’y hindi makapaniwalang tanong niya. Wala kasi sa bokabularyo ng kaibigan ang mga ganoong salita. “Nah! I just heard that sa mga empleyado dito. Huwag nating ibahin ang usapan Gilbert.” “By the way, paano nakakarating sa iyo ang mga balitang ganyan? As far as I’m concerned, bukod sa ngayon ko lang nalaman na alam mo ang expectorant, hindi ka tsismoso pare.” Nagkibit-balikat ito. “Well, you know Gilbert, like what they’ve said, may pakpak ang balita. And the flash news these days is you.” Turo nito sa kanya. “Courting Cali. Bukod sa mga pagsusungit niya sa iyo ay ito din ang unang beses na nanligaw ka. I really wonder why you still pursue her.” Mukhang hindi pa rin ito kumbinsido. Napailing-iling nalang siya dahil sa mga kumakalat na balita. “Well bro, goodluck nalang sa inyo ni Hermani. I wish you guys both get your woman bago pa pumuti ang mga buhok niyo.” Anitong binuntutan ng tawa ang sinabi. Tila hindi naniniwala sa true love. “If you find your true love, Perry, sigurado akong ang nangyayari sa akin ay gagawin mo rin. Because no matter she push me away, lalong nag-uumigting ang nararamdaman ko sa kanya.” madamdaming wika niya dito. Pumalatak si Perry. “There’s nothing to worry about that, Gilbert. Pero hindi pa siya dumarating.” Napailing-iling siya. Pinindot niya ang intercom sa kanyang mesa at kinausap ang sekretarya na nasa labas ng kanyang opisina. “Linda, can you please tell Mang Danny to deliver my gift for Calixa?” aniya sa sekretarya. “Right away Sir. Ipapatawag ko lang po si Mang Danny.” Anang boses babae sa intercom. “I wonder why Cali is so cold with you.” Maya-maya’y komento ni Perry. Kampante na itong nakaupo sa katapat ng mesa niyang upuan. “Sa gandang lalaki mong iyan pare, nakakabakla na nga minsan yang kaguwapuhan mo dahil sobrang guwapo mo ngayon. Parang lalo kang pumogi.” Pang-aalaska pa nito. “This one seems to be different.” Napahalakhak siya.“That’s the point pare. She. Is. Different. At kaya lalo akong gumagawapo at ay dahil sa nararamdaman kong pag-ibig kay Cali. ” Binigyan diin niya ang bawat salita sa mga huling sinabi. Hindi lingid dito ang pakikitungo sa kanya ni Calixa. Ang babaeng nililigawan niya sa katabing karinderya ng kanilang warehouse. Mailap ang dalaga at palagi siya nitong itinataboy. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Alam niyang mapapalambot din niya ang puso nito. Isang buwan palang naman siyang nanliligaw dito. At hanad siyang maghintay kahit gaano pa katagal siyang manligaw dito. Naalala pa niya kung papaano ang naging reaksiyon niya ng makita ang magandang dalaga. Matindi ang pagkabadtrip niya ng araw na iyon dahil may isa silang kliyente na inaway niya. Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila nito ng sabihin nitong bobo siya. Hindi kasi sila nagkasundo sa isang proyekto. Sa una palang ay maangas na ito at mataas ang bilib sa sarili. At kaya siya ang pinili ng buong EXECOMS na kumausap dito ay dahil kaya daw niyang pakiharapan ang isang katulad nito. Marami ang nagtatawag sa kanyang The Brainy sa buong EXECOMS dahil madali niyang masolusyunan ang lahat ng problema sa kumpanya at bilang Vice President for Business Development ay siya ang madalas na humaharap sa mga big bosses ng nagiging kliyente nila para sa isang proyekto. Pero nagkamali sila dahil hindi ito nagpatalo sa isang kagaya niya. Hindi dahil matalino din ito kundi dahil masyado lang mataas ang bilib nito sa sarili at hindi marunong magpatalo. Bakas sa mga salita ng kliyente nila na walang ibang mas tatalino dito at ang gusto nito ang dapat masunod kahit pa alam niyang puro kayabangan lang ang alam nito. Hindi siya nakatiis kaya pinagsalitaan din niya ito. Dahilan upang mawala sa kanila ang account na iyon. Pero hindi sila nanghihinayang dahil hindi naman iyon kalakihan. Pero masamang-masama pa rin ang loob niya. Kaya pinili niyang maglakad-lakad muna sa paligid ng warehouse upang alisin ang kanyang galit pagdating niya sa kanilang opisina. Nakarating siya sa kainan ni Auntie Mila na noon ay hindi niya masyadong pinpuntahan at mukha ni Calixa ang unang nakita niya. From that moment ay tila napawi ang lahat ng sama ng loob at galit na bumabalot sa kanyang katawan. When he first set his eyes to Calixa ay agad siyang nabighani sa kagandahan nito. Hindi napingasan ni munti man ang gandang taglay nito kahit pa haggard na ang anyo. Kahit pa amoy usok ito at walang kayos-ayos habang nag-iihaw sa harap ng kanina ay hindi napingasan niyon ang natural na ganda ng dalaga. Morenang-morena ang kulay nito at pantay-pantay. Pilipinang-pilina ang ganda nito at kay haba ng buhok na nakatali paitaas. Hindi siya mahilig sa morena pero iba ang pang-akit sa kanya ng babae. It was his first time to be attracted sa isang morenang babae. Kadalasan ay mga tisay ang babaeng dumadaan sa buhay niya. Abala ito sa pagsisilbi sa mga kumakain sa karinderya kaya hindi nito napansin ang presensiya niya. Pero sa mga sandaling iyon ay nakatitig nalang siya sa dalaga. Gumagalaw ito pero siya ay tila naestatwa na sa kinatatayuan. Ni hindi niya magawang kumurap. Sa sandaling iyon ay nawala ang lahat ng galit at init ng ulo niya. Napalitan iyon ng isang bagay na hindi pa niya naramdaman kahit kailan. Isang damdaming mahirap ipaliwanag sa isang salita. Isang bagay na tila humahaplos sa kanyang pagkatao. Parang hinaplos ng mapagpala nitong kamay ang kanyang puso kahit na hindi naman siya hinahawakan nito. Isang bagay na sa tingin niya ay ang babaeng ito lamang ang nakapaghatid sa kanya. Nang tumulo ang pawis nito sa mukha at pahirin nito iyon sa pamamagitan ng palad ay nagmistulang slow motion ang bawat eksena. Maging ang pagbuka ng bibig at pagngiti nito habang kinakausap ang mga costumers ay pinanood niya. Kay tamis ng ngiti nito. Kaysarap panoorin. Nahiling niyang sana ay magkaroon siya ng pagkakataon na pawiin ang pawis nito. Natauhan lang siya ng dumaan sa harap niya si Carmen. Ang isang serbidora doon. Tinawag niya ito at itinanong ang pangalan ng magandang dalaga. “Siya ho si Calixa, Sir Gilbert. Pamangkin ni Aling Mila. Cali for short po.” Naalala pa niyang pagpapakilala sa kanila ni Carmen. Simula niyon ay palagi na niyang naalala ang mukha nito. Hindi ito palaayos kagaya ng ibang babaeng nakakasalamuha niya subalit tumatak na ang itsura nito sa isip niya. Hanggang sa mamalayan nalang niya ang sariling nasa harap ng karinderya at pinagmamasdan ang mukha, kilos at galaw ng dalaga. Hindi lumilipas ang mga araw na hindi siya nagpupunta sa karinderya masulyapan lang si Calixa. Palagi din itong laman ng kanyang isipan at dinadala niya ito hanggang sa kanyang panaginip. Natuklasan nalang niyang umiibig na siya dito. Mahirap ipaliwanag. Maging siya ay hindi makapaniwala na sa ganoong kadaling panahon ay umibig siya kay Calixa. Sa una ay hindi kapani-paniwala dahil wala pa sa bukabolaryo niya ang ma-inlove sa mga panahong iyon.. Sbalit ano pa bang paliwanag ang kailangan niya sa mga nararamdaman niya para sa dalaga. He is obviously inlove with this woman. No doubt. Hanggang sa magpahayag siya ng damdamin para dito. Malakas ang kumpansiya niya sa sarili na magugustuhan siya nito. Hindi sa pagtataas ng sariling bangko, he is really a good catch. In terms of finances, looks and siyempre attitude. Walang babaeng tatanggi sa kanya. In fact, mga babae ang lumalapit sa kanya. Yes, he had dated girls before. Pero hanggang doon lang iyon. Nothing more unlike what he’s doing for Calixa right now. Man! She’s really different and captured his heart. Kaya nagulat siya ng tanggihan siya nito. Ang akala niya ay matutuwa ito dahil nagkagusto siya dito. Pero sa halip ay itinaboy siya nito at sinungitan bagay na hindi niya maintindihan. Sinabi niya sa sariling hindi siya basta-basta susuko at liligawan ito. “By the way pare, I have to go.” Pinukaw ni Perry ang pananahimik niya ng tumayo ito. “May meeting ka?” “Yeah, with the coordinators para sa gagawing anniversary ng kumpanya. Goodluck sa inyo ni Calixa.” Anitong ngumisi bago siya tuluyang iniwan. Napatingin siya sa regalo para kay Cali. Doon bumukas ang pinto at pumasok si Mang Danny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD