bf#44 - "Arrest" *WENDELL* NAKAYAKAP pa rin siya sa aking likuran pero gising na iyan siya. Hinahalik-halikan niya batok ko. Iyong nangyari sa amin kagabi? Napapangiti ako---ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ganitong uri ng happiness. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na---boyfriend ko na talaga si sir Gabriel. Paano na si Greg? Kakalimutan ko na ba siya talaga? Siguro dapat kausapin ko siya---tapusin iyon kung anong meron sa aming dalawa. Masaya naman na ako ngayon. Masayang masaya. "Kailangan ko na umalis beh." Bulong niya sa akin. Maingay na mga manok sa labas---tumingin ako sa orasan sa phone ko, 6:55 AM. "Bakit ayaw mo pa bumangon?" Tanong ko. Hawak niya ang mga palad ko. Malaki ang mga palad niya, rough. "Nakahiga ka pa rin kasi eh." Sabi niya. Umikot at humarap

