bf#28 - "Patient" *WENDELL* "Antok ka na ata eh." Sabi ko. Kadarating ko lang galing sa labas. Bumili ako ulit ng isa pa. Nakita ko kasi siya---nakapikit na. Bumangon lang siya ulit. "Hindi. Nagpahinga lang ako kaunti. Lapit ka rito." Sabi niya. Nahihilo na ako talaga sa totoo lang. Kanina noong nasa labas ako---feeling ko hindi na ako makakabalik pa. At habang tinitignan ko ang bote--hindi pa namin nababawasa pero feeling ko nadagdagan na yung lasing ko. Kaya ko pa naman---hindi ko pa nararamdaman na gagapang na ako. Pero sure akong hindi ko na mauubos pa ang isang 'to. Lapit ako sa kaniya. Umupo ako sa kama---at niyakap niya ako ulit at---humalik siya sa leeg ko--pero parang kinakagat niya ulit. "Kanino huling tagay?" Tanong niya. "Sa akin." Sabi ko---pero di ko na matandaan tala

