bf#40 - "Evening" *WENDELL* DECEMBER 24 Sampong araw ang lumipas pagkatapos ng Play. Sampong araw na hindi ko na ulit nakita pa si Geomar. Hindi na siya pumasok sa school---hindi ko rin makontak talaga. Kaya naman bago ako umalis---nagpunta ako sa hotel kung saan natuloy ang mga magulang niya pero pagdating ko doon, wala na sila. Umalis na ang mga ito---hindi ko alam kung sumama na si Geomar sa kanila. Naisip ko rin na baka nasaktan ko siya dahil nalaman nya ang tungkol sa amin ni sir Gab. Ayaw kong magkaroon kami ng relasyon pero nalaman niya na---boyfriend ko si sir. Wala kaming relasyon ni sir Gab at hindi ko rin alam kung bakit kailangan sabihin niya iyon sa harap nila Geomar. Noong gabi na pagkauwi namin sa unit---may binili pala siyang cake para sa akin at nag-inuman kaming dalaw

