bf#46 - "Run!" *SEBASTIAN* December 31 4:54 PM "Kamusta ka na Wendell? Miss na miss na kita." Kasasagot lang niya ng tawag. Kanina pa ako natawag at sobrang naiinis na ako dahil ayaw niyang sagutin, at ngayong sinagot niya naririnig na maingay kung nasaan man siya ngayon. Parang ang dami dami niyang kasama! "Okay lang ako Geomar. Happy new year pala." Sagot niya. Maingay talaga sa paligid niya. Naiirita ako! "Wendell pwede bang lumayo ka muna sa mga tao na nandiyan? Hindi kita marinig ng maayos eh. Gusto lang kita makausap kahit saglit lang may sasabihin lang ako." Sabi ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon ang alam ko lang umuwi siya sa kanila. Ilang araw din akong nanatili sa rest house kasama si Carlo at ngayon nandito ako sa isang hotel. Mananatili lang ako rito hanggang sa ma

