ALESSANDRA'S POV Nag-ayos na ako ng mga gamit ko sa table. Alas otso na ng gabi pinag-over time na naman ako ni Sir Philippe. Pag-uwi ko ng bahay baka tulog na ang kambal. Hindi natuloy ang dinner namin ni Henry dahil nag-overtime. Wala na naman sa mood ang boss ko ang sungit na naman sa akin. Ano na naman kaya nagawa kong mali. Parang wala nama akong maisip na ginawang mali sa trabaho ko. May sapi na naman ang boss kong pogi. Bakit ba ako hindi masanay sanay sa ugali niya. Hindi ko din kasi matimpla ang moodswing ng boss. Minsan mabait tapos bigla na lang magsusungit sa akin hindi ko naman alam kung bakit. Para siyang nagmemenopause hindi pa naman siya ganoon katanda. Ang bata pa niya para sa ganoon? Napailing na lang si Alessandra sa ugali ng kanyang boss. Hindi ko na pinagkaabalahan

