ALESSANDRA'S POV Gulat ang rumehistro sa mukha ko ng mabungaran ko sa harapan ng pintuan si Sir Philippe. May pasa sa mukha at putok ang labi. Nag-away ba sila ni Henry? Bakit? Katanungang gusto kong itanong sa kanya. Pero hindi ko ginawa. Tahimik ko lang na ginagamot ang sugat ni Sir Philippe sa labi niya. May pasa na din sa mukha. Pero bakit ganoon ang pogi pa din niya. My god Alessandra may sugat na nga ang tao kaguwapuhan pa din niya ang iniisip mo? Singit ng isip ko. Habang ginagamot ko siya gusto kong matapos na para makalayo na sa kanya. Nacoconscious ako sa mga titig niya. Hindi na naman ako makahinga ng mabuti. Medyo nanginginig pa nga ang kamay ko habang pinapahiran ko ng gamot ang sugat niya sa labi. Nahahalata niya kaya ang panginginig ng kamay ko? "O-Okay na po Sir."

