Henry's POV "Mom, hindi ka naman excited niyan sa birthday ng apo mo," natatawa kong biro sa nanay ko. Nalula kasi ako sa mga pinamili nitong regalo at namili pa ito ng damit na gagamitin ng kambal. Yes, we know na anak ni Kuya Philippe ang kambal. Noong una ko silang nakita sa mall noon na-confirm ko na anak niya nga mga 'yon. Kamukha-kamukha nila si kuya Philippe para nga silang triplets kung titigan. Ayaw namin pangunahan si Alessandra na magsabi sa magulang ko. Naiintindihan ko naman siya. Bumabawi na lamang kami sa pagbibigay ng mga bagay sa kanila. Hinampas ako ni Mommy sa balikat. "Huwag mo nga ako pakialaman Henry, siyempre excited talaga ako. Unang apo ko ang mga iyon kailangan special ang magiging kaarawan nila," naka-smile na sabi ni Mommy. Inakbayan ko at hinagkan sa noo.

