Alessandra's POV Isang buwan magmula nang mangyari ang pananakit sa akin ni Ma'am Anastacia .Magmula noon parang nagkaroon na ako ng trauma. Feeling ko susugod na lang siya dito bigla kahit na ba wala na s'ya dito sa office dahil bali-balita nagresign na raw ito sa trabaho. Sasampahan sana ni Henry ng kaso pinakusapan ko lang na hindi na. Mag-aaksya lang kami ng pera at panahon. Tsaka ayoko ng gulo baka mas lalo lang magalit sa akin. Kaya mas mabuti nang manahimik na lang ako. Buti napakiusapan ko si Henry na huwag nang ituloy. Naintindihan ko ang naramdaman niya. Dala ng galit sa paghihiwalay nila ni Si Philippe kaya ako ang napagbuntunan niya ng galit. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ako ang iniisip niyang dahilan kaya nakipaghiwalay si Sir Philippe sa kanya? Diyos ko kung

