Abala si Sorell sa pagbabasa ng mga business proposals nang makatanggap ng tawag mula sa reception.
"Mr. Villareal, hinahanap ka ng katulong niyo."
"Katulong namin?" nagtatakang tanong ni Sorell. Bakit naman siya pupuntahan ng katulong nila. "Sino? Si Yaya Maring?"
"Hindi. Mukhang bago e. Ngayon ko lang nakita. Should I send her up?"
"Sige."
Dahil tinatamad bumaba ay pinaakyat niya na lang ang bisita. Pero parang gusto niyang tawagan ulit ang reception nang maalala na baka hindi naman nila talagang katulong ang babae. Baka mabiktima pa siya ng modus operandi ng mga sindikato.
Tatayo na sana siya para salubungin kung sino man ang katulong daw na naghahanap sa kanya pero bago siya makaalis ng opisina ay dumating na ito.
"Inihatid ko na," sabi ni Precious, isa sa mg receptionist ng kumpanya. "Baka maligaw e."
"Salamat," hindi nagawang ngumiti ni Sorell sa babae nang makilala kung sino ang kasama nito.
Nawala na rin sa isip niya ang matinding pagkagusto sa kanya ni Precious. Siguradong gusto lang siyang makita nito kaya inihatid ang bisita.
Kapwa sila tahimik nang makaalis si Precious.
"I just want to pay you," nahihiyang sabi ni Rosette at iniabot sa kanya ang pera, "By the way, thank you for saving me out there. Sorry din kung natagalan ang bayad."
"You don't have to pay me back," seryosong sabi ni Sorell. "Pero huwag mo na ulit gagawin iyon. Masama ang magnakaw in case you don't know."
Nakangiti lang na tumango si Rosette.
"Aalis na ako, baka naistorbo na kita," paalam ni Rosette.
Sarkastikong natawa si Sorell, "Do you really have to pretend na katulong ka namin para makita ako?"
Nawala ang ngiti sa labi ng babae, "W-wala akong sinabing ganoon. Ang sabi ko magkaibigan tayo pero ayaw maniwala nung babae sa reception. Well, wala naman talagang maniniwala. Isa pa, gusto ko lang talagang magbayad ng utang. What made you think na gusto kitang makita?"
Napailing ang babae at saglit na inilibot ang mga mata sa loob ng opisina ni Sorell.
"Aalis na talaga ako," paalam ni Rosette pero natigilan ito nang maramdaman ang kamay niya sa balikat nito.
"I'm going out for lunch," sabi ni Sorell bago isinuot ang suit na nakasampay sa swivel chair. "Sumabay ka na."
Halatang hindi makapaniwala si Rosette sa narinig.
"But it's okay kung may pupuntahan ka pang iba."
"L-libre mo ako ha? Hindi pa rin ako kumakain e," nahihiyang hiling ni Rosette.
Napailing na lang si Sorell.
Si Rosette na ang pinapili ni Sorell ng makakainan at nagtaka siya nang sa isang simpleng karinderya lang siya ayain nito. Halatang nagtataka rin ang tindera kung bakit doon sila kumain. Nahihiyang naghubad ng business suit si Sorell at itinupi ang suot na polong asul.
Sanay rin naman siyang kumain sa karinderya dahil doon sila madalas mag-meryenda kasama ng mga teammates niya dati sa varsity.
Lugaw lang ang inorder ni Rosette at umorder naman siya ng palabok at puto para sa kanya. Lihim siyang napangiti nang maalala kung gaano kasosyal noon ang babae na kahit magkape lang ay gusto pa sa coffeeshop sa loob ng five-star hotel.
Natigilan siya nang mahuli siya nitong nakatingin.
Nag-iwas ng tingin si Sorell at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Bakit ba apektado siya sa presensya nito?
"Kumakain ka pala sa ganitong kainan," bahagyang napangiti si Rosette.
Napatingin si Sorell sa babae, "Oo naman. Madalas kami rito nila Axel noon e. 'Yung bestfriend mo."
Nawala ang ngiti ni Rosette kaya natawa si Sorell.
"Do you still keep in touch with them?"
"With who?"
"Your teammates."
"Oo naman. Almost every week," masayang kwento ni Sorell. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng tuwa nang magpakita ng interes si Rosette sa buhay niya. Akala niya ay hindi na ito magtatanong. Deep inside, he wanted to cheer her up. Mukha kasing pasan nito ang buong mundo.
"Alam mo bang naging ex ni Axel 'yung trainer ng taekwondo," patuloy na kwento ni Sorell. "tapos nahuli siyang may kabit. Sinapak siya sa court sa harap ng maraming tao. Pahiyang-pahiya siya noon e."
Natawa si Rosette, "Mas lalaki pa sa kanya iyon e."
"We won the championship on our fourth-year kaya niregaluhan kami ng Uni ng tig-iisang kotse. Wala pang isang linggo, Travis crashed his car."
"He wasn't the best driver," komento ni Rosette.
"He's in the U.S. now. Hindi ko na rin nakakausap."
Hindi kumibo si Rosette at tahimik lang na inubos ang lugaw.
"Gusto mo pa?" untag ni Sorelle.
Nahihiyang tumango si Rosette, "Don't worry, ililibre din kita kapag ako naman ang nagkapera. Pero matatagalan pa siguro iyon. Nag-iipon ako para makapag-aral na ulit ako."
"Really? Kailan ka pa nagkainteres sa pag-aaral?" tudyo ni Sorell.
Ngumiti si Rosette, "I always wanted to be a teacher."
"Ikaw? Teacher?" hindi napigilang matawa ni Sorell.
Natawa rin ang babae at tila hindi naman naasar sa sinabi niya.
Maya-maya ay dumating na ang order nito at masayang kinain iyon ng dalaga.
"Nagbibiro lang ako. Lagi ka kasing tumatakas sa klase dati. I never see you as the studious type."
Saglit na natahimik si Rosette, "I never wanted to study in that school."
"Why? Your parents own it. I-I mean, Mr. Northwood..."
"I didn't want the way everyone treated me. Some were nice dahil anak ako ng may-ari and some were rude dahil tingin nila sa akin spoiled brat ako. Lahat ng gawin ko big deal. Pero hindi ako napapaalis. Why? Dahil anak ako ng may-ari. I hated that. I didn't want special treatment. Ginawa ko na ang lahat para mapaalis ako at lumipat na ako ng school pero hindi nangyari.
Hindi makapaniwala si Sorell sa narinig. She's still an ungrateful person sa kabila ng magagandang bagay na ibinigay ni Mr. Northwood rito.
"You should be grateful dahil hindi lahat nakakapag-aral sa ganoong exclusive school. Don't focus on stupid things. Sana inisip mo na gusto kang mabigyan ng magandang edukasyon ng mga magulang mo kaya pinilit kang pag-aralin sa Northwood. Isipin mo nga, may-ari sila ng school tapos anak nila hindi nila mabibigyan ng magandang edukasyon. Isa pa, hindi mo ba naisip na there's something about your attitude kaya wala kang kasundo?" hindi napigilang sermon ni Sorell.
Hindi agad nakasagot si Rosette.
"I-I'm sorry..." tila naman nahimasmasan ang binata. Hindi niya na dapat sermonan si Rosette. Tapos na iyon. At sa tingin niya, malaki ang pinagbago nito.
Umiling si Rostte, "you don't have to apologize. Tama ka naman e. Iyan din ang sinabi niya. Maybe, masyado lang akong kinulang sa atensyon. Because of the university, he didn't have time for me. He was always busy. Pero kasi pakiramdam ko, ayaw lang mapahiya ni daddy kaya pinilit niyang mag-aral ako sa Northwood kahit hindi ako masaya doon. Besides. that university is so expensive samantalang maraming estudyante ang hindi makapag-aral. Maybe, it's a good school but the only lesson I've learned from that university is how unfair life was."
Hindi nakapagsalita si Sorell. Rosette has a point. Pero para sa kanya, hindi nila kasalanan kung masipag ang mga magulang nila kaya nagawa silang pag-aralin sa ganoong kamahal na paaralan.
"Let's not talk about him, pwede ba?" mahinang hiling ni Rosette.
Tumango si Sorell, "Sige."
Tipid na ngumiti si Rosette at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Anyway, anong nangyari sa'yo after school?" hindi napigilang usisa ni Sorell. "Bigla ka na lang nawala."
"Pinaalis ako sa Northwood," kaswal na pagbabalik-tanaw ng dalawa pero bakas sa mata nito ang lungkot. "Hindi rin naman ako makakabayad ng tuition. Since hindi ako tunay na anak ng may-ari, wala nang dahilan para mag-stay ako doon."
"Saan ka nagpunta? Alam mo bang pinahanap ka ng mommy ni Leigh."
Natigilan si Rosette sa narinig, "Kayo pa ba ni Shaina?"
Si Sorell naman ang natahimik pero mabilis na umiling pagkatapos, "Wala na kami. Si Leigh na ang boyfriend niya ngayon."
Sarkastikong natawa si Rosette pero iniba na nito ang usapan. Alam ni Sorell ang naglalaro sa isip ng babae. Siguro kung ang dating Rosette ang kaharap niya, isang malakas na "I told you so" ang maririnig niya mula rito.
"Anyway, saan ka nagpunta?" tanong ulit ni Sorell.
"Sa dati kong yaya. Pero umalis din ako dahil ayaw ng mga anak niya na nandoon ako. Pero inirekomenda niya ako sa isang kaibigan na may restaurant pero umalis din ako. I tried babysitting too pero the kid was a brat. Now, I'm working in a restaurant again."
Hindi makapaniwala si Sorell sa narinig. Hindi niya maimagine si Rosette as a poor, helpless girl. Tumatak na kasi sa isip niya ang dating Rosette na maldita.
"Bakit hindi ka na lang sumama kay Tita Flora. She's a nice woman."
Hindi agad nakapagsalita si Rosette.
"Look, I know na hindi mo siya tanggap as a step-mother before at pinagdududahan mo siya sa intensyon niya sa pagpapakasal sa daddy mo pero mabait siya at may malasakit sayo kahit hiwalay na sila ni Mr. Northwood..."
"You don't know anything," napailing si Rosette.
Mabilis na uminom ng tubig si Rosette bago tumayo at nagpaalam.
"Salamat sa libre, Sorell. Babawi ako next time."
Napabuntong-hininga si Sorell. Siguradong hindi nito nagustuhan ang pagbanggit niya sa pangalan ng mommy ni Leigh. Anyway, it's her life. Hindi na siya makikialam.
"Gusto mong ihatid kita sa trabaho?"
"No," mabilis na tanggi ni Rosette. "Salamat na lang."
Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Rosette bago ito lumabas ng karinderya.
Saglit namang natigilan si Sorell. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naisipan niyang palihim itong sundan sakay ng kotse.
"Saan ka galing?" mataray na tanong ni Mrs. Chan, ang may-ari ng Goldren dragon chinese restaurant kung saan nagtratrabaho si Rosette.
"Ma'am, day off ko ngayon."
"Day off? Seryoso ka? Kailangan mong bayaran lahat ng nabasag mong pinggan. Wala kang day off."
Napayuko si Rosette.
"Bilisin mo," bahagya pa siya nitong itinulak.
Mula sa malayo ay kitang-kita ni Sorell kung paano binulyawan ng amo si Rosette. Nakaramdam siya ng kaunting awa dito sa kabila ng pagiging miserable niya noon dahil sa kakulitan nito. Alam niyang hindi sanay si Rosette sa hirap.
Napatitig si Sorell sa hawak na cellphone. Should he call her?
"Iyan ka na naman, Sorell. Don't use Rosette again para lang makausap 'yung ex mo."
Malalim siyang napabuntong-hininga.
He wanted to see Shaina so badly pero hindi niya dapat gamitin si Rosette.
"Bahala siya," sabi na lang ni Sorell sa sarili. "Matanda na siya. Kaya niya na ang sarili niya."
Paalis na siya nang makitang lumabas ulit si Rosette na may dalang timba.
Mabilis siyang nagtago at muling pinanood ang dalaga.
Halatang hirap na hirap ito sa paglilinis pero tinitiis pa rin.
"Bilisan mo nga!" muling sigaw ng matabang babae na may-ari ng restaurant.
Hindi na nakatiis si Sorell. Mabilis niyang idinial ang number na hanggang ngayon ay kabisado pa rin niya. Sana lang hindi ito nagpalit ng cp number.
"Hello."
Nakaramdam ng kaba si Sorell nang marinig ang malambing na boses ni Shaina.
"Shaina," pinilit niyang patatagin ang boses. Kakalimutan niya muna ang sariling nararamdaman. Rosette needs help.
"Sino ito?" nagtatakang tanong ng babae. Kahit ang boses niya ay nakalimutan na rin nito.
"It's Sorell."
Mahabang katahimikan.
"Anong kailangan mo?" kaswal lang na tanong nito.
"I found Rosette."