Gabriel's POV Nasa mall kami ni Hanz, mahigit isang buwan na naming hinahanap si Amara at halos lahat na yata ng sulok ng manila ay nasuyod na namin ngunit hindi talaga namin sya matagpuan, ilang beses din akong pabalik-balik sa bahay ng mama nya ngunit walang Amara na umuwi kaya sa ibang lugar naman kami naghahanap. Pati mga kaibigan ni Amara ay kinukulit ko na ngunit hindi nila ako kinakausap. Halos mabaliw na ako kakaisip kay Amara, araw-araw ay umiinom ako upang makalimot kahit panandalian lamang. Habang tumatagal ay lalo akong nasasabik na mahanap namin si Amara. Tama nga ang sinabi ni Isaac sa akin na pagsisisihan ko kapag ipinagpatuloy pa namin ang napagkasunduan. Ngayon ay halos mabaliw ako kakahanap kay Amara, ngayon ko mas lalong napatunayan sa aking sarili kung gaano ko kamah

