"Bakit mo ako binuhusan ng tubig? Alam mo bang sobrang lamig nun!" galit reklamo sa akin ni Sendrix habang nakasimangot na umupo sa harapan ko. Nasa kusina kami ngayon, matapos ko siyang sabuyan ng tubig dumeretso na ako dito para mag handa. Gago naman kasing Sendrix 'yan kung ano-ano ang tinuturo sa mga bata kaya ayan, natikman niya rin ang masabuyan ng tubig sa umaga. Sana naman may aral s'ya na nakuha dun, gago talaga ako pa ang sasabuyan? In his dreams never! "Wag ka nang mag inarte dyan Sendrix. Sa'n kaba galing ka gabi?" pagkuwan na tanong ko. Nilapag ko ang pancake at gatas ng mga bata sa mesa, sunod ay kinuha ko ang fried rice and then piniritong tilapia. May sawsawan na rin akong nilagay at sobrang anghang, hmm yummy... "Sa kaibigan ko, nag-usap lang kami," "Tsk kumain ka na d

