"Dumating na ba si Sendrix?" tanong ko sa katulong na napadaan sa kusina. "Hind pa po Ma'am eh." Napabuntong hininga na lamang ako. Talagang iniiwasan ako ng gagong Sendrix na 'yun, hindi niya ba alam na 10pm na at wala pa s'ya sa mansyon niya! Gusto ng mga bata na katabi siyang matulog pero hanggang ngayon hindi parin s'ya dumadating, baka naglalandi na 'yun. Pakialam ko naman kung mag landi s'ya dyan, baka nakipagkita sa asawa niya, maalala ko lang mukha ni Felicia parang gusto ko na siyang inudnud eh! Bwesit talaga! Since wala akong mapapala sa kahihintay kay Sendrix na ewan ko kung buhay paba 'yun, umakyat ako ng hagdan patungo sa kwarto niya, andu'n kasi ang mga bata. Lagi na silang natutulog sa kwarto ng daddy nila, kaya naman habang wala pa si Sendrix tatabi muna ako sakanila. T

