Third Person's POV "Kamusta ang buhay natin mga lunatics?" nakangising tanong ni Zain sa mga kaibigan na ngayong pikit na pikit na, s'ya lang ata ang hindi pa lasing kasi kung uminom s'ya konti lang. Hindi tulad kina Sendrix at Elijah na halos lunurin na nila ang mga sarili nila sa alak. "Wag mo 'kong ma lunatics dyan Zain at baka masapok kita," naiinis na sagot naman ni Sendrix 'saka tinungga ang pang huling baso. "Ito naman mainitin talaga ulo mo Sendrix 'noh? May regla ka ba?" "Tangina mo! Ano tingin mo sa akin babae? Puta!" Natawa sina Zain At Elijah dahil sa nag-aasim na mukha ni Sendrix. Hindi s'ya makapaniwala sa mga kaibigan njyang walang hiya, kahit na lasing na lasing s'ya alam niya parin ang kalokohan nitong si Zain. Madaya kasi ito uminom eh, pag nasobrahan kasi 'yan, mas

