Alex's POV "Mom may pasok po kami ngayon." "Magpahatid nalang kayo sa nanny niyo may ginagawa pa ako ngayon mga anak." "Okay Mom!" Agad naman silang umalis sa harapan ko. Dala 'yung mga bags nila, hindi ko sila pwedeng ihatid ngayon dahil luluwas ako ng Singapore para sa contract ko sa partner business ni Dad, madali lang naman 'yun dahil bukas makakauwi na rin ako, 'saka sinabi ko na rin 'to sa dalawa kong anak at mukhang naintindihan naman nila dahil hindi na sila muli nag tanong. It's been 1 week simula nu'ng nangyari sa amin ni Sendrix sa kusina, at sa week na 'yun lagi akong bweni-bwesit ni Makheus, wala talagang magawa sa buhay ang lalaking 'yon kundi letchehen ang araw ko. Langya! Kaya ngayon habang maaga pa bibilisan ko ang pag alis ko sa bahay baka mamaya andyan na naman s'ya

